Chapter 23 - Thank You

1.7K 50 0
                                    

Late ng natapos yung concert ni Sky. After nun, agad kaming pinasundo ni Sky sa isang assistant nya para pumunta sa backstage.

"Miss Lexi? Pinapatawag po kayo ni Sky."

Nagkatinginan kami ni Kit, nang biglang lumapit sa amin si Scarlett.

"Ateeeeeee! OMG." oa na bati ni Scarlett sakin, sabay beso. "Akala namin wala na talaga kayo eh. Ang galing mo! Akalain mong napaiyak mo si Kuya!"

"Grabe, hindi ko naman alam na iiyak yun ng ganun, tsaka malay ko bang maniniwala sya sakin!" nagtawanan kami, pati na ung assistant ni Sky na nagaantay pa din pala samin.

"Lexi, anak!" sabi ni mommy Liz na papalapit sa kinaroroonan namin.

"Ma! I miss you." salubong ko sa kanya, sabay yakap.

"Iha, hindi ko alam na pupunta ka. Hindi ka man lang nagsabi. Sana napasundo man lang kita."

"Hehe. Hindi ko po talaga pinaalam kasi gusto kong isurprise si Sky. Tsaka sinadya ko po talaga na magkagalit kami para hindi nya ko kulitin." kwento ko.

"Grabe, sobrang sweet ng ginawa mo ate. Sana sakin din may mag surprise ng ganun!" kinikilig na sabi naman ni Scarlett.

"Ganyan talaga ang bestfriend ko.. Lahat ng pwedeng gawin, gagawin talaga nya para lang mapakita na mahal nya ang isang tao." sabat naman ni Kit.

Napaisip tuloy ako.. Ano nga bang kaya kong gawin para sa taong mahal ko? Hanggang saan ang kaya ko para mapatunayan na mahal ko ang isang tao? Ewan ko din. Basta ang alam ko, kung saan magiging masaya yung taong mahal ko, kahit ano pa man yun, gagawin ko para sa kanya.

Mga ilang minuto pa kaming nagkwentuhan sa loob ng arena ng biglang nagsimula nanamang maghiyawan yung mga ibang audience na hindi pa nakakalabas. Napatingin kami sa lugar kung saan nakatingin yung mga humihiyaw na babae nang makita namin si Sky na papalapit kung saan kami nakatayo. May hawak na bouquet ng bulaklak.

Napanganga ako ng makita ko sya. Shet ang pogi! Naka simpleng shirt na lang sya at pants. Simple pero sobrang astig at gwapo.

"Be, panty mo nalaglag." bulong ni Kit.

Napatingin naman ako bigla sa ibaba ko. Joke lang pala. -_-

Tumingin ako ulit kay Sky, malapit na sya sakin.

"Hi." sabi nya, tapos inabot nya yung bulaklak na dala nya.

"Hi. Thank you." sabi ko pagkakuha ko nung bouquet.

Medyo matagal din kaming nagtitigan nang bigla nya akong hinila at hinalikan. Nagingay nanaman yung mga tao sa paligid. Pero wala na akong pakelaman. Nakisabay na lang din ako sa bugso ng damdamin ko at hinalikan sya pabalik.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now