Chapter 18 - See you soon.

1.7K 44 0
                                    

 

This is it. Pacheck-out na kami ng hotel. Derecho na ng airport para sa flight nila Sky. Kayanin ko kaya? God, wag mo naman ako pahirapan ng sobra mamaya please.

Tinawagan ni Sky si Kit para samahan ako na ihatid sila. Para daw kasi may kasama ako pauwi. Kaya eto, kasama ko si Kit.

"Okay ka lang be?" Tanong ni Kit habang ako nakatitig kay Sky na nagliligpit ng gamit nya.

"Mm-mm" tumango ako. Hindi ko pa din inaalis ung mata ko kay Sky. Gusto ko lang syang pagmasdan. Gusto ko hindi ko makakalimutan yung paano sya kumilos, kung paano sya mag act personal. Kasi susunod na kita ko sa kanya, sa tv o sa skype na lang eh. 

Maya-maya pa, nagcheck-out na kami sa hotel. Dumaan muna kami sa bahay nila dad para makapagpaalam sina Sky.

Dala ni Kit yung sasakyan ko, at si Sky ang pinagdrive ko papuntang airport. Si Kit naman, kasama ung mom at sis ni Sky sa kabilang sasakyan.

"Kin." Hinawakan ni Sky ang kamay ko habang nagdadrive sya. Tinignan ko lang sya. Nanglalamig ung kamay ko. Hindi ko yata kakayanin to.

"Wag kang iiyak, ha?" Sabi nya.

Biglang tumulo yung luha ko nung narinig ko un. Alam ko kasi na mahirap din para sa kanya yung magiging sitwasyon namin.

Tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya sabay kuha ng tissue para punasan yung luha ko.

"Kasasabi ko lang, bigla ka naman umiyak." Sabi nya tapos hinawakan nya un balikat ko para icomfort ako.

"Susulat ka ha?" Pabirong sabi ko sabay tawa. Kailangan kasi idaan ko sa biro para hindi ako msyado masaktan. Pero masakit padin. Ilang oras na lang, malayo na sya sakin.

"Hindi na ba ako aalis? Pag umiyak ka pa, hindi na ko aalis, sige." Sabi nya, nakangiti sya. Parang kita mo na nagpipigil din sya.

"Umiiyak na ko oh" sabi ko sa kanya. Napasimangot sya.

"Alam mo naman diba?" Hinawakan nya ulit ung kamay ko.

Tumango lang ako. Pinigilan ko na lang umiyak kasi alam ko naman na kahit anong gawin ko, kailangan pa din nyang umalis.

"Mamahalin mo pa din naman ako kahit magkalayo na tayo diba?" Tanong ko sa kanya.

"Yung pagmamahal ko sayo, hinding hindi na magbabago. Mas mamahalin pa kita sa mga susunod na oras at araw at buwan at taon. Hanggang dumating yung time na pwede na ulit tayo magkasama, mamahalin pa din kita ng sobra pa sa pagmamahal ko sayo ngayon." Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi nya yun. Di mapigilang tumulo ng mga luha ko. Mahal talaga nya ako.

"Hihintayin ko yung araw na pwede na tayong magkasama ulit." Sabi ko sa kanya.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now