Chapter 39 - Almost is never enough..

1.5K 40 0
                                    

 

'Buti ka pa..'

Yan ang sabi sakin ni Zoey nung nagkausap kami tungkol sa pagiging malapit ko sa pamilya ng boyfriend nyang si Sky.

'Buti ka pa..'

Tama daw bang kainggitan ako? Okay, siguro hindi naman hindi sya naiinggit. Nag-aassume nanaman siguro ako. Pero bakit naman nya sinabing buti pa ko? Kasi hindi sya ganun kalapit sa nanay at mga kapatid ni Sky?

Hindi ba dapat ako nga yung magsabi sa kanya na buti pa sya. Kasi buti pa sya, sya ang pinili ni Sky. Buti pa sya, sya ang kasama ni Sky sa mga ganitong okasyon. Buti pa sya, sya ang pinapapakilala ni Sky sa lahat ng tao. Buti pa sya, sya ang mahal ng taong mahal ko.

The Sweetest Love. Yan ang tugtog. Nadurog ang puso ko habang pinagmamasadan ko silang nagsasayaw ngayon sa gitna ng madaming tao na nagsasayaw din, hindi ko mapigilang masaktan. Hindi ko mapigilang maluha. Lalo na nung niyaya ni Sky si Zoey na magsayaw nung marinig nya ang tugtog nay an. Ang sakit sakit makita na masaya sila. Ang sakit makita na masaya yung lalaking mahal mo kasama ang babaeng mahal nya. That should have been me. That was our song. Yan yung mismong kanta nung niyaya nya ako magsayaw sa gitna ng madaming tao sa may Siene river nung nasa Paris kami.

Sana ako na lang yung kasama nya ngayon. Sana ako na lang.

“Ate Lexi.” Bulong ni Scarlett na nakaupo sa pwesto ni Zoey. “Can I ask you a favor?” tumango lang ako.

“Can you sing for me? Please?” say whut?

Natawa ako nang narinig ko ang sinabi nya.

“You gotta be kidding me.” Sabi ko habang umiiling.

“Please? Just one song. Please?” hinawakan nya ang kamay ko. “Pretty please?” sabay pacute.

“S, we both know that I don’t sing in front of a crowd.”

“Sige na ate. Please? Isa lang. Favorite ko kasi yung song. And I want you to sing it for me. Please?” do I even have a choice?

Tumango ako at ngumiti “Ano ba kasing kanta yan?”

“Yey! Thank you ate! I love you!” niyakap nya ako at inabot ang isang papel na may nakasulat na lyrics. Sabay hila sa akin papunta sa may stage.

Pinatungtong nya ako sa stage at inabot ang microphone sabay ngiti na parang nakakaloko. Binasa ko ang lyrics na nasa papel na binigay nya, buti na lang alam ko yung kanta. After nung current song na tumutugtog, biglang nagstart na mag piano yung isang myembro ng banda na hinire nila para tumugtog buong gabi. Patuloy pa din sa pagsayaw ang mga tao sa gitna ng dance floor, yung iba, napatingin kasi nakita akong nasa stage.

Nagkita ang mga mata namin ni Sky pero iniwasan ko kaagad sya ng tingin.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon