Chapter 21 - Schemes

1.5K 43 0
                                    

LEXI

Kung hindi ko pa nasasabi sa inyo, singer din po pala ang boyfriend ko. Hindi lang sya isang magaling na artista, singer din sya. (Imagine Daniel Padilla, ganun na ganun! Haha. Though, more on R&B ang genre nya at mas magaling shempre si Sky ko. :P) Kaya nga lalo akong nainlove sa kanya kasi weakness ko talaga ang magagaling kumanta. Lalo na kapag kinakantahan nya ko tuwing magkausap kami. Hay. Nakakamatay naman talaga ang boses nya.

Nung isang araw, nakwento nya sakin na magkakaroon daw sya ng concert nya sa MOA Arena. Nagulat ako shempre, at nalungkot kasi magiging busy sya sa mga rehearsals and stuff. Tapos ako, andito. Di ko mapapanood. Sigh. Teka, hindi ko nga ba mapapanood?

"Kiiiiitttyyyyy." sigaw ko kay Kit pagkasagot nya sa tawag ko. Naexcite kasi ako masyado.

"The hell? Ano nanaman problema mo?"

Ay ang sungit naman.

"Hmm. Diba love mo ko? Diba bff tayo?" tapos natatawa ako. Hindi ko kasi alam anong sasabihin ko para mapapayag ko si Kit sa balak ko.

"Ano nanaman yan Alessandra? May ipapagawa ka nanaman sakin noh?"

"Hmm. Sort of. Hihi."

"Ano nga? Pabitin ka pa eh."

"UWI TAYO NG MANILA!!" sigaw ko.

"What? Ano namang nakain mo?"

"Ah, eh.. Ano kasi.. Ano.. si Sky kasi may concert. Eh gusto ko sya isurprise. Kahit 3 days lang. Please, please, pleaasseee." pilit ko sa bestfriend ko.

Matagal sumagot sa tanong ko si Kit. Ano ba yan, pabitin din. Sana pumayag sya. Sana talaga. Kasi naman eh. Gusto ko talagang pumunta dun. Gusto kong ipakita na supportive ako sa career ng boyfriend ko.

"Libre mo ba?" etong baklang to talaga. Basta talaga humingi ako ng favor kailangan, sagot ko din ang gastos. Hmp.

"Oo na! Ready na ko sa ganyang tanong mo! Para namang hindi pa ako sanay."

"Okay! Then, Manila it is!"

After namin magkwentuhan ng konti, binaba na din namin ung call. Ewan ko ba, nagkikita naman kami lagi pero ang dami pa din namin laging kwento sa isa't isa.

Ayan, excited na ko! Makikita ko na si Sky. Hindi dapat nya malaman. Pero pano ko itatago? Hindi ako magpaparamdam sa kanya? Gagawa ako ng pagaawayan namin para kapag nakita nya ko, ayun, boom! Iniisip ko pa lang kinikilig na ko. Sana maging perfect to.

***

"Sky.. May sasabihin ako sayo." sabi ko kay Sky habang magkausap kami sa phone.

"Ano yun, Kin? Okay ka lang ba?" medyo nalulungkot na yung boses nya.

"Ahm. Kasi.." nag-aalangan ako, hindi ko alam pano ba sasabihin sa kanya to. Pano ba?

"Ano--"

"I need space." bigla kong sinabi bago pa man sya makapagsalita pa ulit.

"Ha? Bakit? Pano? Anong problema? May nagawa ba akong mali?" derederecho nyang tanong.

Wala naman syang nagawa. Wala naman talaga, ano ba? Bakit ba ako nadadala sa drama kong to, eh gusto ko naman talaga mangyari to..

"Hinde, it's not you, Sky. It's me." oh diba, parang teleserye lang.

"Ano ba kasi? Bakit naman ganyan Lexi??" nararamdaman ko medyo napipikon na sya.

Keep calm, Lexi. Kaya mo yan. Part to ng plano mo. Keep calm.

"Bye, Sky. Goodluck na lang sa concert mo ha? Basta. Saglit lang naman tong space na kailangan ko eh. Promise. Wag mong isipin na hindi kita mahal. Mahal na mahal kita. Kailangan ko lang talaga ng space." pwede na ba yan? Effective na ba?

Hindi ko na inantay yung sasabihin nya kasi baka madala lang ako sa anu mang emotion nya. Alam ko maniniwala sya. Alam ko naniwala sya.

***

//MANILA

Dalawang araw na after nung last na usap namin ni Sky. After nung 'biglaan' kong pagdesisyon na 'I need space' kuno. Dalawang araw na din kaming hindi naguusap. After kasi nung usap namin na un, hindi ko na sinagot yung mga text at tawag nya. Para shempre, kunyari totoo. ;)

"Miss, diba ikaw yung girlfriend ni Sky?" biglang tanong nung isang teenager na nakasabay namin ni Kit palabas ng airport.

Nginitian ko lang sya. Bakit ako nakilala neto? Isa ba sya sa mga fangirls ng boyfriend ko?

"Ha? Hindi sya yun! Kamukha lang nya un!" biglang singit ni Kit. To the rescue talaga si bff.

Bigla kaming nagmadali palabas ng airport para hanapin ang sundo namin. Hindi kami, ay ako lang pala. Hindi ako pwedeng makita ng ibang tao. Walang nakakaalam na nandito ako. Hindi pwedeng malaman ni Sky.

Mamayang gabi na yung concert ni Sky. Shempre meron na kaming ticket ni Kit. First row, VIP shempre. May friend kasi si Kit na nagwowork dun sa network na naghahandle kay Sky. Napakiusapan ni Kit na makuhanan kami ng VIP tickets. Kaya ayun. :)

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon