Chapter 42 - Awkward

1.4K 35 2
                                    

“Kelan ka pa bumalik?” tanong ni Tyler na nakaupo sa tabi ko.

“Ah.. Two months ago? I think?” sagot ko sabay inom ng frap.

“Sooo. Ikaw pala yung Lexi na kinukwento ni Tyler samin dati.” Biglang sabi naman ni Zoey. Napatingin ako kay Tyler, ngumiti lang sya. “Small world talaga noh? I didn’t realized na ikaw pala yung Lexi na yun! Bakit nga pala kayo naghiwalay?”

“Babe.” Bulong naman ni Sky sa kanya. Shempre alam ni Sky ang storya namin ni Tyler. Alam nya kung ano yung ginawa sakin ni Tyler. Alam na alam nya yun kasi ginawa din nya sakin eh.

Bitter ako, sorry.

“Ah, eh. Wala lang.” sagot ko. “May mga tao lang talaga siguro na hindi meant to be. At isa na kami dun.”

“Sabagay.. Pero, diba ang tagal nyo din ah? Ilan nga ba? 5 years? Grabe. Sana kami din ni Sky umabot ng ganun, o mas matagal pa.” nagtinginan sila ni Sky at ngumiti sa isa’t isa. Awkward.

Napatingin ulit ako kay Tyler na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Kayla, yung girlfriend nya na pinalit nya sakin. Shempre, OP nanaman ako. Ampanget naman kung makipagtinginan din ako kay Kit diba?

“Nasa tao lang din yan. May mga nagtatagal, meron namang mga hindi makatagal.” Sumipsip ulit ako ng frap. “May mga taong handang gawin ang lahat para sa taong mahal nya. Mga taong kayang magtiis at lumaban para lang masave ang relationship nila. Yung taong kaya kang patawarin, kahit ano pa man ang kasalanang nagawa mo saknya, gaano man kasakit.” Yung taong katulad ko, Sky at Tyler. Taong katulad ko, na iniwan nyo.

“Pero meron din namang mga tao na hindi kaya ang pressure at hirap kaya mas pinipili na lang nilang sumuko.” Dagdag ni Kit. Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya iyon dahil alam kong pinapatamaan nya si Tyler at Sky. Ughh. Kit!! Mapapahamak tayo nyan ehhh.

Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Kit. Mukhang nasense na din nila na may laman yung sinabi ng kaibigan ko.

Tumabi bigla si Zoey sa akin nang tumayo si Tyler para mag-cr.

“Lexi, sorry ha.” Sabi nya. “Hindi ko kasi alam na dito pa kami magkikita ng pinsan kong yun. At hindi ko rin kasi talaga alam na ikaw pala yung ex nya na kinukwento nya samin dati. Sorry talaga. Ang awkward tuloy. Alam mo na..”

“Wala yun, ano ka ba. Okay lang ako. Tsaka matagal na yun. Nakalimutan ko na din yun.” Nginitian ko sya.

Nang tumayo si Zoey para sumama kay Kayla na mag-cr, at si Kit naman nagpunta sa counter para umorder ulit ng kape, naiwan kaming dalawa ni Sky. Ang saya diba. Minsan di ko din alam kung sinasadya nila yung mga ganitong eksena eh. Lagi na lang naiiwan kaming dalawa. Lagi na lang kailangan may moment kami. Nakakailang kaya. Shempre di pa naman ako nakakamove-on sa kanya. Pumayag lang ako na maging friends kami para mapalapit lang ulit sa kanya.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now