Chapter 56 - I miss you..

1.1K 30 30
                                    

*1 E-mail Received*

From: Shane Keann Yap

Subject: Hey..

Hi Lexi! Wala lang. Nagbabakasakali lang na matanggap mo 'tong e-mail ko, at magreply ka. Namimiss kasi kita. Alam mo 'yun? Nasaan ka na ba kasi? Nawala ka na lang bigla ng wala man lang pasabi. Kahit sino walang nakakaalam kung nasaan ka. Miss na kita. Miss ka na namin.

Alam mo ba? Nag-propose na ako kay Zoey! At um-oo siya! Ang saya diba? Grabe talaga, Kin. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal na kami! Ang saya-saya talaga. Yung um-oo siya, grabe, napaiyak talaga ako ng sobra. Hindi ko maexplain yung feeling. Ang saya talaga.

Pero bakit ganun? Bakit parang may kulang pa din? Nung araw na nagpropose ako sa kanya, inaantay kita nun. Inaantay ko na sana magpakita ka man lang. Kasi mas magiging kumpleto ang araw ko nun kung makikita kita. Iba kasi, eh. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkabalikan kami ni Zoey, tapos, wala ka dun. Dinalhan kita ng ticket para makapunta ka, ako pa mismo naghatid nun sa condo mo. Pero hindi ko alam kung nakuha mo. Hindi ka pumunta, Lexi. Nagtatampo ako sayo.

Alam mo ba? Ang laki talaga ng utang na loob ko sayo. Sinabi ko dun nung nagpropose ako kay Zoey na ang laki talaga ng naging parte mo sa buhay naming dalawa. Na sobra-sobra ang pasasalamat ko sa iyo kasi, kung hindi dahil sayo, hindi kami aabot sa ganito. Gusto kong magthank you sayo. Salamat talaga. Hindi ko alam kung bakit tinulungan mo pa akong maibalik si Zoey. Sa mga nagawa ko sayo noon, tinulungan mo pa din ako. Salamat. Salamat talaga.

Oo nga pala, sa December ang kasal namin. Ang bilis diba? Parang isang linggo pa lang ang nakalipas nung nagpropose ako. Tapos isang buwan lang ang pagitan, ikakasal na kaagad kami. Gusto kasi namin na bago malaman ng mga tao na buntis si Zoey, kasal na kami. Para kahit paano, hindi nila isipin na kaya lang kami magpapakasal, kasi nabuntis sya. Okay lang naman yun, diba? Mahal ko naman sya, eh. At kaya ko sya gustong pakasalan kasi mahal ko sya. Kahit na hindi sya buntis, pakakasalan ko pa din sya.

Ang labo, noh? Bakit ko ba kinukwento pa sayo 'yun? Sorry, ha? Alam mo naman na sayo lang ako nakakapag-open ng mga ganung bagay. Ikaw naman kasi, eh. Magpakita ka na para hindi ako dito sa e-mail nagdadrama.

Dito ko na din pala sasabihin.. Sana makapunta ka sa kasal namin, ha? Hindi pwedeng hindi. Kung hindi mo man matanggap 'tong e-mail ko, maghahanap ako ng ibang paraan para macontact ka. Gusto ko nandun ka sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Kaya sana, makapunta ka.

Nasaan ka na ba kasi? Magpakita ka naman. Sana magreply ka.. Aantayin kita.

I miss you.

SKY

~~

Author's note: Sorry sa mga matagal na naghihintay ng update! :) Eto na po. :D Sorry kung sabaw at sobrang ikli lang. Ano kasi, malapit ng matapos. :( Kaya ayun.. Hindi pa ako ready na tapusin kaya uuntiin ko ang pag uupdate. :( Sana wag kayong magsawa ng suportahan 'tong story ko. :D Maraming salamat! <3

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now