Chapter 30 - Busted!

1.5K 38 0
                                    

Day-1 Post-Sky

Eto nanaman ako, iniwan nanaman. Luhaan, mag-isa, tulala.  Kasi kulang daw. May kulang. Nung last time na naging ganto ako, kay Tyler. Nagkaron sya ng iba kasi wala daw ako. Ngayon kay Sky, kulang na daw kasi. Ayaw na nya. Ganito na lang ba lagi? Dahil malayo ako kailangan iwanan ako ng mga taong mahal ko? Ganun na lang ba talaga ako kadali isuko? O hindi lang talaga ako ganun kaimportante kaya madali lang ako ipagpalit o iwanan? Mahirap ba akong mahalin? O masama ba ako? Bakit laging ganito?

Umaga na pala, hindi ko namalayan. Hindi pa kasi ako natutulog. Hindi ko magawang matulog. Magdamag akong nakatutok sa laptop ko, baka sakaling tumawag si Sky. Pero hindi eh.. Magdamag akong nakatitig sa mga pictures at videos namin. Pinanood ko din un mga clips sa YouTube na andun sya. Pati mga movies nya. Ibang iba sya on-cam. Lalo na yung mga recent interviews nya. Aakalain mong wala syang problema. Pero kung iisipin ko ngayon, baka wala lang kasi sa kanya na maghiwalay o kami kasi nga ayaw naman na nya talaga..

Sabi nya mahal nya ako. Sabi nya maghihintay sya. Sabi nya balang araw. Naniwala ako masyado sa mga sinabi nya.. Ngayon para akong tangang umaasa na bawiin nya yung mga sinabi nya kagabi. Umaasa ako na mahal padin nya ako. Umaasa ako na kami pa din hanggang huli.

“Sorry, baby.” Bulong ko habang hawak ko ang tyan ko. “Magiging masaya naman siguro tayo, kahit tayong dalawa lang diba? Hindi kita pababayaan. Promise.” Hindi mapigilan ng mga luha ko na tumulo.

Maya maya pa, dumating bigla si Kit. Nag-ayos akong bigla at nagpunas ng mukha. May dala syang breakfast. Bakit kaya andito to?

“Lex? Ano? Anong balak mo?” napalingon ako ng marinig ang sinabi nya. Anong anong balak ko? Anong alam nya? Narinig kaya nya yung sinabi ko?

“Ha?” sabi ko. “Wala. Anong anong balak? Bakit ka ba nandito?”

“Kahapon pa kita tinatawagan at tinetext. Hindi ka sumasagot. Tumawag ako sa office mo, di ka din daw pumasok ngayon. Kaya nagpunta na ako dito. Ano meron?” umupo sya sa harap ko.

Tumayo ako at tumakbo papuntang cr. Mali to. Hindi dapat to mangyari ngayon! Nasusuka ako. Mali. Ughh.

“What the fcuk?” Napasigaw si Kit nang makita akong nagsusuka sa cr.

Hindi ko sya pinansin, patuloy pa din ang pag duwal ko. Mali to. Bakit ba kasi ngayon pa, pwede naman mamaya na lang pag wala na si Kit.

"ALESSANDRA!!!" sigaw nya. "May dapat ba akong malaman?" tanong nya habang hinihimas ang likod ko.

Umiling lang ako. "I'm fine. Nothing to worry about. Nalipasan lang siguro.."

"Nalipasan? Sure ka na jan Lexi??" pagalit na tanong nya. Tumango lang ako, patuloy pa din ang pag duwal ko.

“Kelan pa to?” biglang tanong nya. Napatingin ako sa kanya at nanglaki ang mga mata ko ng makitang hawak nya ang isang pregnancy test kit.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora