Chapter 10 - Diagnosed with Love

2.2K 50 8
                                    

SKY

  

Hindi ko maintindihan ung fellings ko nung nakita ko syang nakaupo sa may coffee shop. Sakto talaga. Nandito sya. Ang galing ni Kit! Hahaha.

"Pare, sige na, tulungan mo na akong makadate yung kaibigan mo." sabi ko kay Kit nung nakausap ko sya sa phone.

"Pagbibigyan kita, pero wag na wag mong papaasahin ang bestfriend ko." sabi naman nya.

Pano ko nalaman ang number nya? Nakasalubong ko sya sa mall. Hanep nga eh, ganda ng kasama nyang chicks. Blondie. Pero shempre wala pa din mas gaganda pa kay Lexi.

Ewan ko ba bakit unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na maalis yung itsura nya sa isip ko. Parang lahat na lang ng makita ko, sya yung naiisip ko. Mahirap kaya yun. Unang beses ko palang syang nakikita nun, pero halos sya na bukang-bibig ko. Halos araw-araw ko syang binabanggit sa mga kaibigan ko. One time nga sa isang presscon, nasabi ko yung name nya, nagtaka tuloy sila, sino daw yung Lexi. Sabi ko na lang, wala lang. Hehe.

Nung pangalawang kita naman namin, ang saya saya ko. Nag dinner kami. Ang saya nyang kasama. Madaldal, kahit na minsan hindi ko na maintidihan ang sinasabi nya. Pano ba naman kasi, bigla bigla na lang magkukwento, tapos dere-derechong english pa. Nakaka nosebleed kaya!

Pero, seryoso, ang saya ko talaga nun. Halos hanggang pag-uwi ko ng bahay, nagtataka sila bakit daw abot tenga ang ngiti ko. Sino ba naman kasi ang hindi sasaya, eh nakasama ko yung dream girl ko. Yup, you read it right. Kaya una pa lang gusto ko na si Lexi kasi yung tipo nya ang dream girl ko. Hindi dahil maganda sya at mayaman. Plus points na lang yun eh. Nafeel ko kasi sa kanya na kahit mukhang mataas ang estado nya sa buhay, hindi pa din mataas ang tingin nya sa sarili nya. Oo, nafeel ko yun nung unang meet namin. Nung nabangga ko sya at nahulog yung gamit na dala nya. Kung iba kasi yun, malamang inaway na ko. Pero sya, wala lang. Pa-cool lang. Sino ba naman hindi magkakagusto sa tulad nya?

"Okay na pre. Nakausap ko na sya." tumawag ulit si Kit sakin. Napapayag na nya si Lexi na makipagkita. Kung pano nya nagawa? Hindi ko din alam.

"Salamat pare, salamat talaga." sabi ko sa kanya.

Mag 10am na nung umalis ako sa bahay ng tita ko para puntahan si Lexi sa coffee shop. Sabi kasi ni Kit, dun daw nya papupuntahin. Sana wala pa sya, sana hindi ako late. Sana hindi sya umalis.

"Mukhang malalim nanaman iniisip mo ah." bulong ko sa likod nya, napabalikwas sya. Nagulat siguro.

Tumingin sya sakin. Nginitian ko sya.

"Sabi ko na nga ba dito lang kita makikita eh." sabi ko. Nagpalusot na lang ako, di ko naman kasi pwedeng sabihin na niset-up sya ng bestfriend nya at ako talaga ang kikitain nya, hindi si KIt.

"Ha? Wala lang. May inaantay kasi ako." ang seryoso ng itsura nya. Ano kayang problema? Nako, baka badtrip sya..

"Ay may date ka?" biniro ko, sumimangot ako, kunayre nagtatampo na ko.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now