Chapter 35 - A dream come true..

1.5K 37 3
  • Dedicat lui Dm Eyt
                                    

"Sino sa inyo ang ama ng batang dinadala ng pasyente?"

Ama? Bata? Sino? Ano daw??

Napatingin ako bigla kay Kit. Napatigin din sya sa akin sabay iwas.

"Teka, alam nyo ba na buntis sya o hindi?" Tanong ulit ng doctor.

Buntis? Si Lexi buntis?

Natulala ako at parang napako sa kinatatayuan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang gulat. Si Lexi? Buntis?

Napatingin ulit ako kay Kit.

"Sky.. Doc.. Sya po." Sabi nito. Napanganga ako nang marinig iyon.

Ako? Lalong bumilis ang kaba ko ng marinig iyon. Ako? Ako ang ama? Buntis si Lexi at ako ang ama??

"Sky? Ikaw yung artista diba? Anyway.." tumango ako, hindi pa din ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. "I'm sorry to say, but you lost your baby.. First three months of pregnacy is very delicate.. Nakunan ang pasyente sa sobrang pagdurugo nya.. Sorry." tinapik nya ako sa balikat at umalis.

Hindi ko maintindihan yung mararamdaman ko. Una, nabigla ako ng sabihin na buntis si Lexi. Pangalawa, ako ang ama? Pangatlo, nawala yung bata?? Ano naman bang mafifeel ko dun?? Parang kumirot ung dibdib ko ng maisip ko na may chance na pala kami dapat sa isang pamilya, kung hindi ko sya sinaktan. Bigla akong nanglumo at tumulo na lang bigla ang mga luha ko. Ang sakit malaman na magkakaroon na sana ako ng anak.. Pero nawala na.

Buntis si Lexi. Kailan pa nya nalaman? Kailan nya balak sabihin sakin? Pano ko sasabihin kay Zoey ito? Hindi ko na alam. Bakit ang sakit sakit. Kaya ba ganun na lang yung mga panaginip ko nung mga nakaraang araw? Sign na pala yun. Hindi ko man lang napansin.. Yung batang babae sa panaginip ko.. Anak ko na pala yun. Kahit man lang sa panaginip nakasama ko sya at napasaya ko sya.

Tinignan ko si Kit na umiiyak din na nakaupo sa waiting area. Tinabihan ko sya.

"Kelan pa?" Tanong ko. Napatingin sya sakin.

"Bago kayo maghiwalay." Napatayo ako bigla at napasuntok sa pader.

"Bakit hindi nya sinabi??"

"Naunahan mo sya. Sasabihin na sana nya kaso naunahan mo ng pakikipaghiwalay." Nagtakip ng mukha si Kit ay nagpunas ng luha. "Nung nakipaghiwalay ka, hindi na nya ginustong sabihin pa sayo dahil ayaw nyang masira ang career mo ng dahil sa kanya. Ikaw padin ang iniisip nya, Sky. Kaya nga kami andito sa Pilipinas dahil gusto nyang dito magstay at manganak. Gusto nyang mapalapit sayo. Kahit na alam nyang iba na ang mahal mo. Alam mo ba yun??"

Hindi ko alam yun. Wala akong alam.

"Pero wag kang mag-alala, dahil wala namang balak ang kaibigan ko na sirain kung ano man ang meron kayo ni Zoey ngayon. Ganun ka nya kamahal. Sayang nga lang talaga.. Pinakawalan mo." dagdag pa nya.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum