Chapter 34 - Premonitions

1.8K 33 5
                                    

SKY

"Babe! Wake up! Nananaginip ka nanaman!" napabalikwas ako ng maramdaman kong niyuyugyog ako ni Zoey. Pag mulat ng mata ko, kitang kita ko ang takot sa mga mata nya, sabay niyakap nya ako.

"Bakit ka umiiyak habang natutulog? Ano nanaman ba kasi yang panaginip mo? Napapadalas na yata yan ha." sabi nya.

"Ganun nanaman, babe. Pero this time, namatay na yung bata.." sabi ko habang inaalala ang panaginip ko.

Eto kasi yun..

Mga ilang linggo na ang nakalipas ng magsimula akong managinip tungkol sa isang bata. Babae sya. Kamukha ko. Pero hindi ko alam ang pangalan nya. Parang sa panaginip ko, lagi lang syang andun. Minsan gusto nyang makipaglaro sakin, minsan gusto nyang kargahin ko sya. Bata pa sya, hindi nagsasalita, lagi lang nakangiti. May mga kilos sya na nagreremind sakin kay Lexi, yung ex ko. Marami silang pagkakapareho. Though kamukha ko yung bata, yung mga ngiti naman nya ay parehong pareho kay Lexi. Hindi ko maintindihan yung meaning nung mga panaginip ko. Halos araw araw nakikita ko yung bata. Minsan wala lang, minsan naman halos buong panaginip ko andun sya.

Nakukwento ko kay Zoey yun, pero hindi ko na sinasabi yung part na kahawig din ni Lexi yung bata sa panaginip ko. Ayoko na din kasi gumawa ng issue, baka isipin pa nya iniisip ko pa din si Lexi. Well, naiisip ko pa din naman yung tao. Shempre sino ba naman hindi makakalimot sa ganun. Kahit na saglit lang naging kami, malakas pa din yung naging impact nya sa pagkatao ko. Tsaka I still owe her. I mean, I feel a lil bit guilty shempre nasaktan ko yung tao. So ayun.. Sabi naman ni Zoey, baka daw time na o sign na yung panaginip ko para magkaroon kami ng family. Shempre hindi ko tinanggap yung idea na yun, kasi ang bata pa kaya namin. Tsaka, masyado pang maaga para sa amin yung ganun. Kakapasok pa nga lang namin sa ganitong relationship tapos family kagad? Mahal ko naman si Zoey. Mahal ko sya at gusto kong makasama sya habang buhay. Pero ayoko din magmadali kasi mahirap na. Baka mauwi lang sa wala ung lahat..

Yung panaginip ko ngayon, kakaiba sya. Nakakatakot. Nakakaiyak. Kasi namatay yung bata. Basta parang asa isang place ako, pag pasok ko sa isang lugar, madaming tao. Tapos nung nakita ako ng mga tao, nag give way sila para makita ko yung isang kabaong sa may harapan. Lumakad ako papunta dun at nakita ko ang isang babae na umiiyak sa may kabaong. Hindi ko nakita yung mukha nung babae kasi nung nakita nya ako ay agad syang umiwas sa akin. Lumapit pa ako ng konti dun sa kabaong at nakita ko yung bata. Yung batang nasa panaginip ko lagi. Patay na sya. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko pero parang bigla akong nakaramdam ng sakit. Parang biglang bumigat yung pakiramdam ko at bigla na lang ako umiyak. Parang ang sakit sakit na kahit sa panaginip ko lang sya nakita, parang napamahal na sya sakin at nung nakita ko na namatay sya, parang hindi ko matanggap. Ganun ung feeling. Palapit sa akin yung babaeng umiiyak kanina ng ginising naman ako ni Zoey. Kaya ayun, hindi ko na nakita yung mukha nun babae.

"Babe, I think you should get ready na." napatingin ako kay Zoey. Naka-ayos sya. May lakad kami? Gabi na ah.

"May lakad tayo?" tanong ko.

"Ano ka ba babe. Invited tayo sa exclusive party sa taas diba? Ang panget naman kung hindi tayo aattend." sabi nya sabay simangot. Ang ganda padin nya kahit nakasimangot.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now