Chapter 48 - Lexi the Saint

1.4K 33 3
                                    



LEXI

"Nalaman na nya." sabi ni Sky. Ano daw?

Napatingin ako sa oras, madaling araw na pala.

"Sky? Anong--"

"Nakipag hiwalay sya.." banggit nito bago ko pa man matapos ang gusto kong sabihin.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi nyang hiniwalayan sya ni Zoey o malulungkot kasi ramdam na ramdam ko sa boses nya na sobrang nasasaktan sya.

"Bakit? Anong nalaman nya?" tanong ko.

"Yung nangyari. Satin." huh?

"Nangyari? Anong nangyari? Baka namali ka lang ng tawag?.." seryoso, wala namang nangyari sa amin ah.

"Yung sa baby, Lexi. Nalaman na nya na nabuntis ka." ahh, yun!

"Ha? Eh pano? Wala naman na ah? Bakit ka nya hiniwalayan?" Hindi ko talaga alam kung matutuwa ako eh. Gusto kong magtatalon sa tuwa, kasi wala na sila. Kasi may pag-asa na ulit ako. Kasi magkakabalikan na kami ng mahal ko.

Pero narinig ko syang parang umiiyak. Nasasaktan sya. Nasasaktan ang lalaking mahal ko dahil iniwan sya ng babaeng pinakamamahal nya. Ang sakit naman. Wala na pala talaga akong pag-asa.

"Nasaan ka ba?" tanong ko.

"S-sa tapat ng b-bahay nya. Inaantay ko syang lumabas. Kanina pa ako nandito pero wala talaga. Ayaw na daw nya. Lexi, anong gagawin ko?" sagot nito. "Wala naman na tayo diba? Matagal na tayong wala eh. Wala na din naman yung magiging anak sana natin. Iniwan kita para sa kanya. Pero bakit ganun? Bakit iniwan pa din nya ako?

Akala ko ba naiintindihan nya yung sitwasyon natin? Akala ko ba may tiwala sya sa akin? Bakit nya ako iniwan? Bakit ayaw na nya bigla?" naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa mga sinasabi nya. Sakin pa talaga nya sinabi yan. Sobra-sobrang sampal naman.

Gusto ko na syang babaan, gusto kong magalit sa kanya. Pero hindi ko pa din magawa. Nakita ko na lang ang sarili ko na nagpapalit ng damit at nagmamadaling lumabas para puntahan si Sky.

"Hintayin mo ako jan, papunta na ko, Sky." sinabi nya ang lugar kung nasaan sya bago ko i-end ang call.

***

Makalipas ang mga ilang minuto ay nakarating ako sa lugar kung nasaan si Sky. Nakita ko syang nakaupo sa may gutter, sa labas ng isang malaking bahay. Umuulan, malakas ang ulan at basang basa na sya.

Bumaba ako ng sinakyan kong taxi at tumakbo ako papalapit sa kanya, "Sky!"

Inangat nya ang ulo nya at napatingin sa akin, sabay tayo. "Lexi." Niyakap nya ako pagkalapit ko sa kanya. Nagulat ako sa ginawa nya, hindi ko akalain na yayakapin nya ako. Basang basa ang damit nya, mukhang mawawalan na sya ng malay.

"Sky, tara na, basang basa ka. Baka magkasakit ka." sabi ko habang hinihila sya papunta sa sasakyan nya. May sasakyan naman sya, bakit hindi kaya sya dun nagantay? Pasaway.

Kinuha ko ang susi ng kotse nya sa bulsa ng pantalon nya at sinakay sya sa passenger seat. Halos wala na din syang malay, siguro ay dahil na din sa pagbababad sa malakas na ulan.

Sa Gramercy ko sana sya dadalhin pero sabi nya ay gusto nyang umuwi sa bahay nila, kaya doon ko sya dinala.

Pagkarating namin sa bahay nila ay tinulungan ako ng isang kasambahay nila na akayin si Sky papunta ng kwarto nya. Papasok na kami ng kwarto nya ng sabihan nya ang kasambahay nila na ako na lang ang tutulong sa kanya. Agad naman itong umalis.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now