Chapter 33 - Gramercy

1.8K 36 0
                                    

//AFTER ONE MONTH

Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko. Eto ako ngayon, kasama si mom at si Kit, papunta pabalik ng Manila. Tama ba na ginusto kong dun tumira at manganak? Wala naman sigurong makakakilala sakin diba? Tsaka, bakit ko nga ba kasi naisip na gusto ko dun magstay? Kasi gusto kong mapalapit ulit kay Sky?

Halos isang buwan na din yata mula nung nagbreak kami. Halos isang buwan na din yatang sila ni Zoey. Kamusta na kaya sya? After kasi nung last na usap namin, hindi na ulit ako nakarinig ng kahit ano sa kanya. Yung mom at kapatid naman nya, minsan tinatawagan ako pero hindi ko na din masyado nakakausap, parang gusto ko munang umiwas kasi shempre pag nakakausap ko sila, naaalala ko lang yung failed na relationship namin ni Sky. Isang buwan na.. Mahal na mahal ko pa din sya. Hanggang ngayon masakit pa din pag naiisip ko na may mahal na syang iba. At hanggang ngayon, pilit ko pa ding pinapaniwala ang sarili ko na baka kung makita nya ako at ang anak nya, eh mabalik yung pagmamahal nya sakin. Ang pathetic noh? Wala eh. Mahal ko eh..

After nung last na usap namin ni Sky, sa tv ko na lang sya nakikita. Sa tv o sa internet na lang ako nakakabalita tungkol sakanya. Mukha naman syang masaya. Mukha naman silang masaya. Nakakainggit nga eh. That could've been my hand he was holding. That could've been my cheeks he was kissing. Pero hindi ako. Si Zoey. The beautiful Zoey. Mukhang anghel. Mukhang mabait. Mukhang perfect. Si Zoey. Ang true love ni Sky. Pano kong nasabing true love sya ni Sky? Obvious naman diba? Hindi mo naman kasi iiwan ang isang taong mahal mo para sa isang taong mas mahal mo. I guess what he felt for me was just love.  And what he felt for her was true love. Yung sa haba man o sa tagal man nilang naging magkaibigan, sa pagiging mag boyfriend/girlfriend din pala ang ending.

I may look like I've moved on na, mukha lang, pero deep inside parang dinudurog ung puso ko tuwing nakikita ko silang magkasama. I admit, I still want him back. And the reason kung bakit ako nandito ngayon sa eroplano pabalik ng Manila is because gusto kong makita nya ulit ako. Gusto kong maramdaman nya ulit yung naramdaman nya nung unang kita namin. Gusto kong ipakita sa kanya na mali sya na iniwan nya ako. Hindi ako magpapaka bitxh para agawin sya kay Zoey, okay? Hindi ako ganun. Pasimple lang ang trip ko. Malay naman natin diba? Malay nyo, mag work.

Malapit na kaming mag land kaya I decided na magpunta ng restroom.

“I’ll just go to the toilet.” Sabi ko kay Kit. Tumango lang sya at bumalik na sa pagkakatulog.

Pumasok ako sa toilet at tumingin sa mirror ng makita ko ang dugo na lumalabas sa ilong ko. Sht. Agad akong kumuha ng tissue para punasan ito pero patuloy ang pagtulo ng mga dugo. Damn. What should I do? Takot ako sa dugo. Ughh.

Okay, keep calm, Lexi. Wala lang yan. Keep calm.

“Ma’am, we’re about to land, I think you should go back to your seat.” Sabi ng isang babae on the other side of the door ng toilet.

“Uhm, yeah. Coming.” Sagot ko naman.

Pinunasan ko ng pinunasan ang ilong ko para mawala na ang dugo bago ako lumabas. Ano ba kasing nangyayari. Bakit ba nagdudugo ang ilong ng isang tao. Ugh. I hate blood.

“Is everything okay, ma’am?” tanong nung FA paglabas ko ng toilet.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon