XXIV: Adrenaline Rush

21 3 0
                                    


Everything has been peaceful on the past weekend. I stayed in the house with Dallace. Minsan ay bumibisita ang ibang myembro ng The Sixth, madalas si Rylander at Caleb. Nag-alok si Dallace na dumito muna ako pansamantala habang mainit pa ang sitwasyon sa pagitan ng mga Echavarri at ng korpurasyon.

Tinanong ko siya isang beses kung bakit parang ganoon na lamang kalapit ang mga Villan sa Echavarri, At ang tanging sinabi niya lamang ay malapit na mag-kasyoso ang pamilya ng mga Villan at Echavarri noon, way back when my mother and Cecelia Echavarri was alive. At isa pa ay nakuwento niya na malapit si Don Villan kay Ozwald noon bago mamatay ang Ina nito at ang nakababatang kapatid.

Dumaan ang ilang linggo at patuloy ang ganoong routine pabalik-balik ang mga The Sixth members dahil sa hindi nila alam ang susunod na gagawing hakbang ng korporasyon. Nag-papalamig lamang kami parehas ni Dallace. Bago muling mag-plano upang tapusin ang aming na-simulang dalawa sa pagitan ng Korpurasyon.

I sipped my caffeine and the strike of the hot endulging black coffee lasted on my lips. It was peaceful and I was a little scared. Sobrang tahimik, hindi ako sanay at natatakot ako na may kapalit ang lahat ng ito.

Tanaw ko mula sa malayo ang maliwanag na buwan. The moon were beautifully ethereal, sobrang ganda nito na napapalibutan ng mga ulap na mistulang sumasayaw sa itaas. And I couldn't divert my eyes away from this bewitching scenery. Pakiramdam ko isa akong hamak na makasalanan na nililitis sa ilalim ng nakakabighaning buwan. I always admire and have a thing with the heavenly bodies such as the moon, the stars, the skies, and all the things that is above in the beautiful horizon.

Natigil ako sa pagmamasid sa liwanag at misteryo na hatid ng buwan at bituin sa kalangitan ng mabilis na nag-vibrate kasabay nang pag-tunog ang cellphone sa tabi ng tasa ng aking kape. It vibrated for several seconds until I grab it and hardly scrutinized the screen. It was a familiar number—the four digits on the screen began to activate my adrenaline.

Client 1024,
  It's been a months.. You we're not able to complete the mission..

This was my past client.. The client that mandates me to erase the enigmatic Mafia Prince of the Echavarri. I've been looking for his traces for the past months and the nearest that I found was this number and it's location which was quite unusual. Dahil naka-based lang ito somewhere sa Windward Hills. That's quite suspicious and vague. Kaya't mas minabuti ko na mag-hintay ng iba pang bagay na maaring mag-bigay sa akin ng ilang clue  patungo sa kanya. Another vibration strike my phone..  It was the same digits that are on the screen.

Client 1024,
      If you couldn't complete the mission properly then I must eliminate him on my own.. And including you.

It was a clear threat, And it sent me to complete turmoil. I held on my phone tightly. I gripped on my robe to lessen the coldness of breeze from the evening wind. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili, I made a deep breath before walking towards my room to get dress.

I wore a fitted jeans and a simple tank top. I made sure the loaded pistol was hiding in a good state behind my back. Mabilis ko rin na sinalansan sa isang maliit na bagpack and ilang papel na naglalaman ng mga impormasyong nakalap ko tungkol sa aking dating kliyente ngunit wala pa akong lubos na ebidensya. Maingat kong sinuot ang isang leather boots at sumumpil roon ang tig-isang pares ng kutsilyo.

Ikinabit ko mula sa aking kaliwang kamay ang isang lumang relo at tinandaan ang oras. Eight o' clock in the evening, malamang ay mahimbing na ang tulog ni Dallace mula sa kabilang kuwarto. Basta ay naririto siya sa loob ng bahay ay sigurado akong ligtas siya. Bukod sa alam niya kung paano ipagtanggol ang sarili, mataas ang defence system ng bahay na ito. Mukha lamang itong simpleng bahay ngunit ligtas ito.

Lumabas ako dala ang bag-pack at saka ko inilock ang veranda at ang pintuan ng kuwarto ni Dallace. Maingat akong umalis at isinara ang maindoor. Nasa garahe lamang ang isang Itim na honda civic at hindi ako nag-abalang buksan ang makina nito sapagkat mag-sisimula ito ng ingay na maaring ikagising ni Dallace. Buong lakas ko itong itinulak palabas ng Gate at nang makalayo ng kaunti mula sa gate ay saka ko ito pinaandar at minaneho patungo sa daan ng East District.

To be honest, I don't know where to start but I know I had someone to trust to. And it was him, the Mafia Prince itself. Alam kong magulo ang kalagayan ng Mafia Echavarri ngayon. Nag-karoon ng mga pagkakasabutahe sa mga shipments at transactions ng Mafia. Naikwento ito nung nakaraan ni Ozwald at sa tingin niya nasa loob lamang ng Mafia ang traydor na sumasabutahe.

And here I thought the Mafia was invincible because of the bond of the Sixth but I was totally wrong. Mukhang rumurupok na ang turnilyo ng aking utak at masyado ko nang ibinababa ang aking mga depensa pagdating sa pag-titiwala.

Mabilis ang aking naging byahe. Itinigil ko ang sasakyan tatlong bahay ang pagitan mula sa mansyon ng mga Echavarri. Madilim ang paligid at mula sa liwanag ng lamp post ay nakita ko ang pag-tigil ng dalawang itim na van sa harapan ng gate ng mansyon. The familiar uniformed mens wearing black suit with the logo of the the Regime Corporation came out. Inalalayan ng isa sa pinakamalapit sa pintuan ng van ang sopistikadang babae palabas. Carlotta Winslet with her elegant russian blonde hair curls came out with full of  supremacy.

Lumabas ako sa kotse at lumapit sa isang poste upang mas marinig sila. Hindi ko balak na mag-eavesdrop ngunit nang nakita ko ang paglabas mula sa malaking puting gate ni Miguel Echavarri. He was looking so dashing beyond his age in his black tuxedo. But nonetheless, their both gorgeous physical appearance cannot concealed their evil souls inside.

Mula sa posteng kinalalagyan ko ay hinigpitan ko ang kapit ko sa malamig na metal sa aking likuran at nagsimulang sumulong patago upang lumapit ng mas mabuti at marinig ang kanilang mga pinaguusapan. I was sickly worried about this lunatic father of Ozwald. I can't trust his gut even the first time that I laid my eyes in him. He screams danger and trouble but he was still an Echavarri and he was still his father.

Nakuntento na ako sa pagtatago sa isang nakaparadang pick-up truck mula sa katabing bakanteng lote ng Mansyon. Hinigpitan ko lalo ang kapit sa baril sa aking likuran nang lumapit ang isa sa mga tauhan ni Carlotta sa may banda kung saan ang aking pinagtataguan. Lumapit ito at dumura sa gilid at hindi ako pinansin mula sa kadiliman na aking pinagtataguan. Bumalik ito sa kaninang puwesto.

Matinding galit na sumigaw si Miguel Echavarri.

"Hindi mo ako isang utusan Carlotta!" Anas niya. "Baka nalilimutan mo kung sino ako sa mga sandaling ito!" may bahid ng pababanta nitong wika.

"Oh Echavarri, I was just informing you that you need to move faster. Bago ka pa mahuli ng mga Villan at ng sarili mong anak." She said, then she clung like a bitch in the neck of Miguel Echavarri. What a perfect sugar bitch.

"Hindi mo kailangan mag-alala pa sa aking anak. Nasisiguro kong wala siyang alam sa plano." Matigas na sabi ni Miguel Echavarri kay Carlotta. "Ang kailangan mong pagtuonan ng pansin ay si Gilberto Villan at ang kanyang mga anak. Lalong lalo na si Cataleya.."

I felt my whole body stiffen and my stomach twirling until it became cold. Nag-labas masok aking pan-dinig ang lahat ng kanilang sinabi ngunit hindi ko masyadong maintindihan. Miguel Echavarri and Carlotta Winslet has a plan that one is for sure. A-and my family where the hinderers. P-Paano ito nagawa ni Miguel sa kanyang sariling anak? I felt the anger rising in my system. But I remain composed and unmoved behind the shadows.

"Alam kong hindi magtatagal ay magiging peste na ang armas na aking nilikha." She said.

"Ngunit sa oras na maibalik ko siya sa puder ng Korporasyon ay hinding-hindi na niya ako susuwayin at magiging isang mabuting tuta na muli siya." Ngumiti si Carlotta habang hinihimas ang pisngi ni Miguel Echavarri. Her voice was soothing and almost perfect but it was all branded by disguise and fakery.

"Pano ka nakakasiguro?" Madiing tanong ni Miguel Echavarri.

"Dahil kalkulado ko ang lahat." She said dreamily.

AURORA Where stories live. Discover now