Chapter 52

1.2K 48 15
                                    

Chapter 52: "I'm so in love with everything about him."




Kung magbangs kaya ako, mapapansin pa rin? Kanina ko pa tinitingnan sa compact mirror ang noo ko na natatakpan ng gauze. If Shin sees this, I'll surely get scolded. The thought made me grimace. 

Vash taught me how to drive yesterday- against his will. Everything was going well until I had an accident while I was practicing. A cat suddenly jumped in the middle of the road, and I kind of panicked. I ended up with a wound on my forehead, thus, Vash rushed me to the hospital.

Fortunately, Shin was on duty last night. Ayoko nga sanang pumasok ngayon pero naisip ko ay mas madali ko siyang maiiwasan dito lalo na kapag umuwi na siya kapag natapos na ang shift niya. Kanina pa ako nagtatago dito sa nurse station para lang hindi ko siya makasalubong sa hallway.  

"Baks!" Mabilis akong yumuko ng umupo sa tabi ko si Miggy. Kasunod niya si Sue. "Watch this tiktok vid. Kapag ito nagawa mo with Shin, ibang level ka na talaga!"

"Matatawa ka diyan, baks!" ani Sue.

"Ano ba iyan?" I leaned closer. Not a minute longer, we were already laughing so hard. "Uy! Try natin, dali!" 

Kaagad naman silang pumayag. Tumayo pa kami at inayos ni Sue ang cellphone. "Me and my jowa, waah! Uuwi na siya, uuwi na siya, waah! Magh-"

Mabilis na itinakip ni Miggy ang mga kamay sa bibig namin ni Sue. Inalis ko ang kamay niya. "Miggy, hindi pa time para takpan mo iyong bibig namin!"

Nagtaka ako ng pinandilatan niya ako at may pasimpleng ininguso sa likod namin ni Sue. Nagtatakang lumigon ako. My eyes widened upon seeing the head nurse glaring at us. Pero ang mas nagpakaba sa akin ay ng makita ko sa tabi niya si Shin!

Mabilis akong tumalikod at umisip ng paraan kung paano makakaalis. Pero bago pa ako makatalilis ay nakapunta na siya sa harapan ko. Walang kibong hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ang noo ko.

"What happened?" 

"K-katangahan. Nauntog." I let out a chuckle which sounded force even to my ears. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya kaya nauwi sa ngiwi ang tawa ko.

He sighed then said, "Excuse us."

Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko. He took me to his office then made me seat. He sanitized his hands then removed the gauze on my forehead. Ilang sandali niyang ininspeksiyun ang sugat ko bago niya nilinis at nilagyan ng bagong gauze. Napayuko na lang ako ng bumaba ang tingin niya sa mga mata ko. 

"M-minor accident lang." Kinabahan na ako ng bahagya ng kumunot ang noo niya. "Hon-hon, please don't be angry. Kase ganito yan.." 

I explained what happened the best way I could. He sighed harshly as soon as I finished. Para akong maamong tupa na yumuko na lang ng bigyan niya ako ng malamig na tingin. 

"How are you feeling? Does your head ache? Dizzy?" Mabilis akong umuling. Marami pa siyang mga tinanong sa akin. Panay lang ang iling ko.

"Ayos lang ako, hon-hon. Maliit lang na sugat ito." Tumayo ako at yumakap sa beywang niya. "Galit ka?"

Hindi siya kumibo. Napamaang ako ng alisin niya ang mga braso ko na nakayap sa kanya at tinalikuran ako. Huminto siya sa may pinto ng napansin niyang hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

"What are you waiting for?" masungit na baling niya sa akin.

Mabilis akong napasunod sa kanya.


Hook, Line & SinkerWhere stories live. Discover now