Special Chapter

2.2K 84 53
                                    

Special Chapter: "Be with someone who loves you harder on the days you can't love yourself."




My pregnancy hadn't been easy: I went through a lot. On my third trimester, it was a complete bedrest for me. Halos hindi na rin umalis sa tabi ko si Shin dahil sobrang selan ng pagbubuntis ko. There were a couple of time we almost lost our baby, but our little one is a real fighter and held on for us to be the complete, happy family that we are now.

"Mireille, be careful!"

Our two year old daughter, Mireille which means miracle, is so hyper. Pakiramdam ko ay nabitin ang paghinga ko ng muntik na siyang nadapa. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasalo siya ni Lake ang isa sa kambal ni Chela.

"Thank you, Lake!"

He just smiled and ruffled Mireille's hair. "Be careful, all right?"

My baby girl chuckled and hugged him. "Kuya! Kuya!"

Nakangising bumaling ako kay Chela na kalong ang bunso nilang anak ni Vince. "Look at the two of them. They look so cute together, don't they? Ipagkasundo na kaya natin silang dalawa?" biro ko.

She chuckled. "Try saying that in front of your husband."

Napanguso ako. Knowing how protective he is of our Mireille, he'd surely scold me. Mayamaya ay dumating na sina Shin at Amara sa park. We've decided to adopt her. She's now six years old. Just like how we see Mireille, she's also precious to us. We love our two girls equally.

"Mireille! Mama!"

Tumakbo siya palapit sa amin at niyakap kaming dalawa ng kapatid niya. Natutuwa akong makita na nagmamahalan silang magkapatid.

"Papa! Papa!" Mireille shrieked as soon as she saw her papa. Hindi siya magkandaugaga sa pagtaas ng kamay para magpakarga kay Shin.

My little miracle is a papa's girl. Minsan nga nakakatampo na ako ang dumanas ng lahat ng sakit habang pinagbubuntis ko siya pero paglabas niya ay wala siya ni kahit anong nakuha sa akin. She looks so much like Shin. Ang tanging nakuha lang niya siguro sa akin ay ang personalidad niya.

"Hi, my miracle!" Kaagad siyang kinarga ni Shin at pinugpog ng halik sa pisngi. Tawa naman ng tawa ang bunso namin.

"Asan yung kiss ko, hon-hon?" I asked, pouting.

"No kiss papa!" nakasimangot na saad ni Mireille.

Nalukot ang mukha ko. "Why not? He's my hon-hon!"

"No! My papa!"

"My hon-hon!" pang-iinis ko. Nakakatuwa siya kapag naiinis dahil namumula ang mga matatambok niyang pisngi. She's so beautiful. Kamukhang-kamukha talaga siya ni Shin.

"Papa!" naiiyak na sumbong niya kay Shin.

"Stop teasing her, honey."

Ngumuso lang ako at bumaling kay Amara. "Hindi ka ba nainip habang nagwowork si papa, ate?" Kapag sandali lang si Shin sa hospital ay isinasama niya si Amara.

"Hindi po, mama." She animatedly told me about what she saw in the hospital. "Paglaki ko gusto ko rin po na maging doktor tulad ni papa!"

"Ayaw mo ba na maging nurse tulad ni mama?" tanong ko. Hindi na ako bumalik sa trabaho simula ng nagbuntis ako kay Mireille dahil gusto kong mag-focus sa pamilya namin.

"Hmm.. pwede rin po!"

Napangiti ako ng may tunog. I pinched her cheek gently and planted a kiss on her head.

Hook, Line & SinkerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum