Chapter 53

1.2K 47 14
                                    

Chapter 53: "I'm not afraid to fall in love, I'm just afraid of hitting the ground when it's over."



I leaned against the van, and closed my eyes. It's only around 2 in the morning, so I feel so sleepy. We're going to mama She's province to attend her niece's wedding. Kinuha siyang ninang kaya kailangan niyang pumunta. Ang van nalang ni daddy Fred ang dadalhin dahil tamad din magdrive si Shin ng mahabang oras. 

"Hon, wear this. You might get cold," Shin said as he handed me a hoodie.

Inaantok na isinuot ko iyon. Hindi nagtagal ay lumabas na rin sina daddy Fred kaya sumakay na kami sa van. Sa pinakadulo na ako pumwesto. Pagkaupo ni Shin sa tabi ko ay kaagad akong yumakap sa kanya at isinubsob ang mukha sa likod niya. 

"Ang bango mo, hon-hon," sabi ko habang inaamoy-amoy siya.

Umayos siya ng upo at isinandig ang ulo ko sa dibdib niya. Iniyakap niya ang isang braso sa akin. It made me sleepier when he started stroking my back. Tinulugan ko lang ang ilang oras na biyahe. Pagdating namin sa ancestral house nina mama She ay muli akong natulog. Nagising na lang ako sa mahinang pagtawag sa akin ni Shin. 

"Hon, wake up." Umungol ako at itinalukbong ang comforter sa ulo ko. "Wake up." 

I groaned and opened my eyes sleepily. "Inaantok pa ako, hon-hon," I uttered and turned my back on him. 

Niyakap niya ako buhat sa likod. "We'll be late for the wedding. Get up. Come on." Umungol lang ako at nanatiling nakapikit. "Honey?" Napangiti ako ng dampi-dampian niya ako ng halik sa mukha at leeg. 

Humarap ako sa kanya at pinatulis ang nguso. He smiled and pressed his lips on mine. Nagmulat ako ng mga mata at ngumiti. "Good morning."

Nagmadali na akong naligo dahil si Shin ay kanina pa nakaligo at nagbibihis na. Paglabas ko ng banyo ay nag-aayos na lang siya ng buhok. I grinned as I stared at my husband. He's wearing a white long sleeved polo and trousers. Tinernuhan niya ng white sneakers. 

Inabot niya ang wristwatch na nakapatong sa bedside table at isinuot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inabot niya ang wristwatch na nakapatong sa bedside table at isinuot. Lumapit ako sa kanya. "Yung singsing mo?"

He raised his hand, showing me his ring. "I never take it off."

I giggled. Tumingkayad ako at dinampian siya ng halik sa labi. "Ang gwapo talaga ng hon-hon ko."

Inabot niya ang kanyang pabango at nag-spray sa katawan. I really like his smell. "Hon, magprepare ka na."

Tumango ako at umupo na sa harap ng salamin. Tinulungan na ako ni Shin. Kinuha niya ang blower at pinatuyo ang buhok ko habang naglalagay ako ng tint sa pisngi at labi. I wore a white embroidery half sleeve shirt which is slack neck and asymmetrical midi skirt. I just let my hair down. Kinulot ko lang ang dulo. Isinuot ko rin ang white sneakers ko para pareho kami ni Shin.

Hook, Line & SinkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon