Chapter 18

1.2K 57 16
                                    

Chapter 18: "You give me the kind of feelings people write novels about."



The whole day, we were ignoring each other. I wanted to approach him pero kapag naalala ko yung mga sinabi niya sa akin ay umuurong ako. Pasimple ko lang siyang tinatanaw habang kausap siya nina Pops at Tito Fred. I sighed when I couldn't take it anymore and went out. Nagpalakad-lakad lang ako sa dalampasigan. When I got tired, I sat down and just watched the sunset.

I was looking forward to doing this with him; watch the sunset together. Ang dami kong pinlano para sa out of town trip namin but none has materialized yet. At mukhang hindi na kahit kailan. 

"Nandito ka lang pala." 

Tumingala ako. "Pops."

Ngumiti siya sa akin at tumabi ng upo sa akin. "Sinundo na kita at baka mawala ka na naman na bata ka."

Napanguso ako. "Pops naman! Bata ba talaga ang tingin niyo sa akin ni Shin?"

May bumikig sa lalamunan ko ng maalala ko na sinabihan pa niya ako ng 'grow up'.  Pops ruffled my hair. "Shin apologized to me for yelling and saying those things to you."

Napabaling ako sa kanya. "He did?"

He smiled and nodded. "But how could I take it against him for doing what he did when I know you are at fault?" 

Napalabi ako. "Pero bakit niya kailangan sabihin iyon? Nasaktan ako, Pops."

"Kase hindi ka naman matututo kung hindi ka niya pinagsabihan." Humarap ako sa kanya para magprotesta pero inunahan niya ako. "Huwag ka ng umapela. Anak kita, kilala kita. Hindi ka marunong makinig minsan. Napaka-impulsive mo din. At ako naman ay hinahayaan lang kita madalas dahil anong magagawa ko? Nag-iisang anak lang kita kaya madalas kahit dapat ay pakuluan kita sa mga pinag-gagawa mo ng hindi mo pinag-iisipan ay hindi ko ginagawa. Nag-iisang alaala ka lang ng moms mo eh."

Yumakap ako sa braso niya at humilig sa kanyang balikat. "Pero kase mahal mo din ako, Pops, kaya hindi mo ako sinisigawan at sinasabihan ng ganon. Sabi niya mahal niya ako pero bakit ginawa niya yon?"

Napakamot siya sa ulo. "Para ka talagang bata minsan. Every person has his way of expressing love. Iba yung akin. Iba yung kay Shin. You know, I've always seen him as a very calm person. Hindi siya yung tipong madaling mataranta. Pero kahapon?" 

He smiled and shook his head lightly. "It was the first time I saw him that way. He was so worried about you. Mag-isa siyang naghanap sa'yo sa bayan. Akala ko nga maiiyak na siya ng tumawag at sabihin na hindi ka pa rin niya nakikita."

"Nag-worry siya sa akin, Pops?"

He chuckled lightly. "Sobra. Bakit sa tingin mo nasabihan ka niya ng ganoon kagabi?" Hindi ako nakakibo. "Anak, walang perpektong tao o relasyon. Meron lang tamang tao."

Tumingala ako sa kanya. "Tamang tao?"

He nodded. "As your Pops, I honestly think Shin is the right person for you. Hindi na ako mag-aalala pa sa'yo kung siya ang makakasama mo sa buhay. Sa nakikita ko ay kaya ka niyang alagaan, and he knows how to handle you."

Napanguso ako. "Para naman sinasabi mo, Pops, na mahirap akong i-handle."

"Mabait kang anak at malambing. Pero aminin na natin, Nak, minsan sakit ka din ng ulo sa pagiging impulsive mo."

Napalabi na lang ako. "So dapat ba ako yung mag-sorry sa kanya?"

"Ikaw ba anong tingin mo ang tama? Kung ayaw mo naman, makipag-break ka na lang."

Hook, Line & SinkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon