Chapter 54

1K 54 34
                                    

Chapter 54: "And if you've never felt your soul being torn apart, you've never loved anyone with all your heart."



Mababagal ang mga hakbang na bumaba ako ng hagdan. Inaantok pa rin ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kaya nahuli din ako ng gising. 

"Ganda, hihintayin ka na lang daw ni Shin sa kotse."

"Hindi pa siya umalis?" maang na tanong ko. Sinabihan ko na siya kanina na mauna ng pumasok. "Sige, ate Lottie. Salamat. Aalis na kami." 

Nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Bumagal ang mga hakbang ko habang palapit sa kotse niya. As I stopped in front of his car, I paused and took a deep breath. Bumaling siya sa akin ng makasakay ako.

"Bakit hinintay mo pa ako. Baka marami ka pang kailangan gawin ngayon."

Tipid siyang ngumiti. "It's fine."

On our way to the hospital, I could feel his glances every now and then. Probably, because he's not used to my silence; I'm always chatty thus, it's quite strange for him not to hear me talk at all. I heard him sigh several times, as well, but I chose to ignore it. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya.

"Kita na lang tayo mamaya," sabi ko pagka-park niya.

"Wait, hon." Nilingon ko siya. "I'll clear my schedule for the next few days. Let's go on a trip."

"Trip?"

He nodded. "You've always wanted to visit the shooting locations from the korean dramas that you've watched, right?" Natulala ako sa kanya. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "So, how about we go to South Korea this weekend?"

Bumuka-sara ang bibig ko. "I c-can't. Sorry, hon-hon." I grasped the strap of my bag tightly. 

Gusto kong saktan ang sarili ko ng bumakas ang pagkadismaya sa mukha niya. Kahit gustong-gusto kong pumunta sa Korea kasama siya ay hindi pwede dahil naka-schedule ako sa doktor na nirekomenda ni Dra. Cortez na pwedeng makatulong sa kalagayan ko at hindi madaling makakuha ng schedule sa kanya.

Inabot ko ang kamay niya at bahagyang pinisil. "Sorry talaga, hon-hon. Babawi na lang ako next time." He gave me a small smile and nodded. I bit my lower lip. Alam ko na pilit lang ang ngiti na ibinigay niya sa akin. "Hon-hon.."

"Sige na, Tamara. Baka kanina ka pa hinahanap ng head nurse niyo. And it's also time for me to do my rounds." 

I leaned closer and pecked his lips. "See you later?"

He just nodded. Pinagmasdan ko siya. Hindi ko maintindihan pero parang may nagsasabi sa akin na huwag akong lumabas ng sasakyan niya. It's probably guilt. Ilang beses na rin akong tumanggi kapag inaaya niya akong lumabas. 

"You gotta go, Tamara," he said when I didn't make any move to get out of the car.

Napilitan akong bumaba at pumasok sa loob ng ospital. I was bothered the whole morning kaya pagsapit ng lunch time ay pinuntahan ko siya agad sa office niya. Unfortunately, he went out to have lunch, according to his secretary. 

Sinubukan ko ulit na makausap siya ng matapos ang shift ko pero hindi na pala siya bumalik. Tumawag lang ito para i-inform ang sekretarya niya. Sa pag-aakalang nakauwi na siya sa bahay ay nagmadali akong umuwi. 

"Ate Lottie, si Shin?"

Bumakas ang pagtataka sa mukha niya. "Hindi ba at nasa ospital?"

"Kaninang hapon pa siya lumabas." I sighed. "Ipagluluto ko na lang siya ng dinner baka pauwi na rin iyon."

Hook, Line & SinkerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang