Final Chapter

1.6K 83 46
                                    

Final Chapter: "You make the small moments special. Life's not always going to be full of heart-throbbing thrills and non-stop adventure, but when it slows down, I'll know I can sit with you, speak with you, or hold you in these hands, and still feel like I'm going 1,000 miles an hour."




"Ganda, magpahinga ka na muna. Ayos na ang lahat. Kami na muna ang bahala sa mga bata."

I glanced at the kids playing in the swimming pool, and smiled for I see that they're having so much fun. Kaninang umaga ay sinundo namin ang mga bata sa orphanage at dinala dito sa hacienda.

"Sige, ate Lottie. Salamat. Magpapa-" Napahinto ako ng may humigit sa suot kong dress. Napangiti ako ng makita ko ang inosenteng mukha ni Amara. Sa pagkakaalam ko ay ilang buwan pa lang siya sa orphanage. 

"Ate ganda, gutom na po ako."

"Bata, ako na lang ang tutulong sa'yo ha? Pagod na si ate ganda mo."

"Ayos lang, ate Lottie. Ako na lang." Bumaling ako kay Amara at hinawakan ang maliit niyang kamay. "Tara, kuha tayo ng pagkain. Ituro mo lang ang gusto mo at bibigyan ka nila." Nagpa-cater kami ng pagkain ni Shin para sa mga bata.

Namilog ang mga mata niya. "Kahit ano po?"

"Kahit ano," nakangiting sagot ko at bahagyang pinisil ang pisngi niya. "Ang ganda-ganda mo. Pero alam mo mas lalo kang gaganda kung aayusin natin ang hair mo." Gulo-gulo na ang buhok niya at mukhang hindi nasuklayan.

Nabahiran ng lungkot ang mukha niya ng hawakan niya ang kanyang buhok. "Si nanay ko po ang magaling mag-ayos ng buhok ko. Kaso hindi pa po siya bumabalik. Sabi niya sandali lang siya.." Nahabag ako ng mangilid ang mga luha sa mga mata niya. 

I reached for her tiny hand and gave it a soft squeeze. "Ganito na lang, habang wala siya ako muna yung mag-aayos ng hair mo. Ayos lang ba sa'yo?"

She wiped her tears and nodded. Sinuklayan ko ang buhok niya at itinirintas habang kumakain  siya. Iniwan ko lang siya ng sinamahan na siya ng ibang mga bata. I sighed as I watched the kids from the veranda of our room.

"What is the sigh for?"

Napalingon ako. "Hon-hon."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Iginaya niya ako sa loob ng kwarto. He sat on the bed and made me sit on his lap. "What's the matter?"

"I just feel bad for Amara. For the kids." I sighed. "Bakit ganon, hon-hon? Hindi ko maintindihan kung bakit may mga magulang na nagagawang abandunahin ang mga anak nila. HIndi ba nila alam kung gaano sila kaswerte dahil biniyayaan sila ni God ng anak? Samantalang may mga tulad ko na gustong-gusto na magkaanak pero.." I bit my lower lip as bitterness filled me.

He breathed out and wrapped his arms around me. "Honey.." Ipinatong niya ang baba sa balikat ko. "We may not have a baby of our own, but we can be parents to those kids. Besides, we're still lucky and blessed because we have each other. For me, you will always be the biggest blessing God has ever given me."

Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko na tila may kamay na humaplos sa puso ko. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. "Ang swerte-swerte ko dahil ikaw ang ibinigay Niya sa akin. Salamat dahil mas hinigitan mo pa ang pagmamahal sa akin kahit na malaki ang kakulangan ko. Salamat sa hindi pagbitaw sa panahong binigyan kita ng maraming dahilan para gawin iyon."

He smiled and pecked my lips. I leaned my forehead against his with a soft smile on my face. We just stayed in each other's arms, relishing this moment. Bahagya niyang itinagilid ang ulo para abutin ang labi ko. 

Hook, Line & SinkerWhere stories live. Discover now