Chapter 34

1.3K 59 26
                                    

Chapter 34: "It was a million tiny little things. When you add them all up, it just meant we were supposed to be together." - Sleepless in Seattle



I applied lip tint on my lips. My lips pursed as I looked at myself in the mirror. "Ally, do I look like a kid?" 

Tumigil siya sa pag-aayos ng gamit at nilingon ako. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. I'm wearing white long sleeves top which is tucked inside my black high waist shorts; it shows the curve of my body. I may not have big boobs, but I have a small waist. 

"No. Surprisingly, mukha kang dalaga today." Napangiti ako sa narinig. Napataas ang kilay niya. "Anong meron?"

"Huh? W-wala!"

Pinaningkitan niya ako ng mga mata at lumapit sa akin. She leaned closer and looked at my face. Umiwas ako ng tingin. "You're lying."

"Hindi ah! L-lalabas na nga ako!"

"No way!" Mabilis siyang humarang sa pinto at pinagsaklop ang mga braso. "Umamin ka. What are you hi- wait! Why are you blushing?" She gasped. "Oh my gosh! Is this what I think it is?"

"A-ano?"

She rolled her eyes. "What else? Nagkabalikan na kayo ni Kenshin!" Mabilis akong lumapit at tinakpan ang bibig niya.

"Sshh! Baka may makarinig sa'yo!"

Itinaas niya ang mga kamay kaya inalis ko na ang palad sa bibig niya. Ngumisi siya sa akin. "Finally. You two!" Nahihiyang ngumiti ako. 

Pinapa-kwento niya kung paano kami nagkabalikan ni Shin pero sinabi ko na sa susunod na lang. Naintindihan naman niya na atat na akong makita ang boyfriend ko. Bitbit ang mga bag namin ay sabay na kaming bumaba sa lobby. Ngayon ang balik namin sa Manila. 

"In a few minutes, aalis na tayo," ani David. Umupo muna kami sa couch. Iginala ko ang paningin. "Nasa kwarto pa siya. Nauna akong bumaba sa kanya."

"Huh?"

He chuckled. "Ang obvious mo. Alam ko naman kung sino ang hinahanap ng mga mata mo." Namula ang mga mukha ko. "Heads up. Ayan na ang apple of the eyes mo."

He walks and looks like a model even if he's just wearing a white shirt, shorts, and black Nike cap. Isang relo lang ang suot niya at kwintas na nakapasok sa loob ng damit niya. No wonder halos lahat ng mga babae sa lobby ay sa kanya nakatingin. I bit my lower lip as his gaze was focused on me. 

"Hi Kenshin!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hi Kenshin!"

Tinanguan lang niya ang mga bumati sa kanya at dumiretso sa akin. Umupo siya sa arm chair ng couch na inuupuan ko. Nasamyo ko agad ang pabango niya. Kung wala lang siguro ibang tao dito ay inamoy-amoy ko na siya sa sobrang bango niya.

"Have you had breakfast?"

Umiling ako. "Late na akong nagising. Ikaw?"

He shook his head. "Let's just buy later."

Hook, Line & SinkerWhere stories live. Discover now