Chapter 13

1.2K 55 34
                                    

Chapter 13: "You're my favorite. My favorite pair of eyes to look into. My favorite name to appear on my phone. My favorite way to spend my afternoon. You're my favorite everything."



Aren't I the luckiest girl? Nagpakawala ako ng buntong-hininga at nangalumbaba habang patuloy ko siyang pinapanood. I don't know how long I've been watching him. All I know is that I enjoy looking at his serious face while he's busy studying for his finals. 

Kanina pa siya nakakulong dito sa library kaya sinundan ko na siya. Gusto ko siyang yayain mag-date kaso alam ko na hindi siya papayag dahil malapit na ang finals. 

"How long will you be watching me?" he asked without looking at me.

I giggled. "I can watch you forever."

He stopped and looked at me. "You're distracting me," he said coldly.

"Hindi ka man lang ba kinilig? Kase ako kilig na kilig kahit tinitingnan lang kita," I said giggling.

"Get out. I need to study."

"Uuwi na ako tomorrow sa Cebu. Date naman tayo."

"I'm busy."

Napalabi ako. "Kahit two hours lang? Watch lang tayo ng movie or eat out."

"If you want to eat, ask ate Loti to cook for you."

Inis na isinara ko ang laptop niya. "Wala ka man lang bang sweet bone sa katawan? Hindi ko naman imagination lang na tayo na diba?"

Inalis niya ang kamay ko na nakapatong sa laptop niya at muli iyong binuksan. "I need to study for my finals. I suggest you do the same if you want to pass."

I groaned. "Gusto ko date tayo. Sige na. Ang tagal ko kayang hinintay na maging tayo at maka-date ka. Tapos ganyan ka naman."

He breathed out. "I'm busy."

"Oo na. Lalabas na." Tumayo na ako at tinungo ang pinto. "Kainis. Kami na pero suplado pa rin sa akin," bulong ko.

Nagpunta na lang ako sa kitchen at nakipag-kwentuhan kina Mama Shelley at ate Loti na busy sa pagbe-bake. Tumulong na rin ako dahil gusto kong matuto para kay Shin. 

"Ang ganda naman niyan! Hugis puso pa talaga! Inalavavu talaga!" 

I smiled shyly. "Para kay Shin, ate." 

"Ang sarap talaga ng feeling ng in love!"

"Bakit kase hindi ka pa mag-asawa," ani Mama Shelley.

"Kase naman, ma'am, hindi pa nagpo-propose sa akin si Bert. Naiinip na nga ako." Security guard sa village ang nobyo ni ate Loti. Ang alam ko ay matagal na din sila.

"Bakit hindi na lang ikaw ang mag-propose, ate?" I said. 

"Oo nga 'no? Magawa nga yan!"



I groaned and looked heavenward. Inip na inip na ako. Halos naikutan ko na yata ang buong bahay sa sobrang boredom. Pati nga mga roses ni Mama Shelley ay kinausap ko na sa inip ko. Pumunta ako sa kitchen at gumawa ng sandwich at juice. Binitbit ko iyon at dinala kay Shin sa library. 

Nag-angat siya ng tingin mula sa ginagawa. I smiled at him. "Miryenda?"

Hindi siya kumibo. Pumasok na ako at maingat na ibinaba sa mesa ang dala ko. Umupo ako sa couch at itinaas ang mga paa. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Kanina ay inip na inip ako pero ngayon na kaharap ko siya ay wala akong maramdaman ni katiting na pagkainip. 

Hook, Line & SinkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon