Chapter 14

1.1K 59 33
                                    

Chapter 14: "I just don't like sharing my favorite human on earth with other people."



Every piece of me longs for him. I miss him so much. So this is how it feels like when you're apart from the person you love so much. Yung pakiramdam na may kulang sayo ay damang-dama ko. I took a deep breath and hugged my pillow as I looked at the screen of my phone which was a picture of Shin and I. Kuha iyon sa airport ng ihatid nila ako. 

It was candid. Aya took a picture of us while Shin and I were hugging. I was so thankful when she sent it to me. Nakalimutan ko na rin na magpakuha ng litrato kasama siya dahil sobrang lungkot ko ng araw na iyon.

I wish I could teleport and be with you anytime I want. I miss you, hon-hon.

I was teary-eyed as I sent the message to him. Ilang beses ko ng tiningnan ang phone ko kung may message siya para sa akin pero wala pa rin. Napabuntong-hininga ako at sinubukan manood ng movie pero mas lalo ko lang na-miss si Shin. I recalled our simple movie date at their house. 

"One week na. One week ko na siyang hindi nakakasama, Pops."

He ruffled my hair. "Don't think too much of him. Magkikita din kayo, Nak. Matulog ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas."

"Hinihintay ko pa ang tawag niya, Pops."

"Matulog ka na. Alam mo naman kung gaano ka-busy si Shin."

"Matutulog na rin ako niyan, Pops. Tatapusin ko lang itong movie."

Tumango siya. "Sige." HInagkan niya ako sa ulo. "Good night, Nak. Huwag ng magpupuyat."

"Opo. Good night, Pops."

As my phone buzzed, I reached for my phone right away thinking it was Shin. My shoulders sagged; it wasn't him. Si Aya nangangamusta lang. Gusto ko ng tawagan si Shin pero nag-aalangan ako dahil alam ko na busy siya. 

I sent him another message, asking if was home already. Pero hanggang sa inantok ako ay wala pa rin siyang reply. Umaga ko na nabasa ang message niya sa akin. 

Just got home.

Napa-buntong hininga ako. 11:45 siya sumagot sa text ko. Sa dami ng messages ko sa kanya iyon lang ang reply niya? Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya.

Good morning, hon-hon. I miss you. Mag-breakfast ka na. Will get ready for school.

Mabilis na akong naligo at nag-ayos. Malapit na ang finals kaya hindi ako pwedeng mag-absent. Naging busy ako the whole day but I still made sure to send him a message every now and then.



"Pops, akyat na po ako. Good night!" paalam ko matapos kong maghugas ng mga plato. Pagpasok ko sa kwarto ay nagpatugtog ako at pabagsak na humiga sa kama. Ilang sandali akong nakatulala lang sa kisame.

I sighed then reached for my phone which was on the bedside table. My eyes widened as I saw that I had missed calls from Shin. 30 minutes ago pa. May dalawa rin siyang message sa akin. Mabilis akong bumangon. Inis na inis ako sa sarili dahil iniwan ko lang sa kwarto ang phone ko. 

Nung unang mga araw na balik ko sa Cebu ay halos hindi ko na bitawan ang phone ko. Pero kaninang pag-uwi ko from school ay iniwan ko na lang sa loob ng kwarto ko dahil hindi rin naman madalas tumawag or magtext si Shin. 

Nag-videocall ako sa kanya. My mouth curved into a big smile as he answered it. "Hon-hon!" He isn't fond of my endearment for him, but he can't do anything about it. 

Hook, Line & SinkerWhere stories live. Discover now