Chapter 17

1K 50 8
                                    

Chapter 17: "That feeling you get in your stomach, when your heart's broken. It's like all the butterflies just died."



It was past 10 in the evening when I got home. Lumabas ako kasama ang mga kaibigan ko. Buti na lang ay sinundo si Cherry ni Intsik kaya isinabay na nila kami pauwi. Paakyat na sana ako ng may marinig akong mga boses. 

Mukhang may mga bisita. Pumunta ako sa may lanai para tingnan kung sino ang mga bisita pero hindi sila pamilyar sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako at tatalikod na sana ng may mamataan akong dalawang tao na nasa may pool. Naningkit ang mga mata ko ng makilala sila. 

Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Aba! May pahawak-hawak pa siya sa braso ng hon-hon ko! Hindi na ako nag-isip basta mabibilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kanila at pumagitna.

"Hon-hon!" Ngumiti ako ng matamis sa kanya at yumakap sa beywang niya.

He looked at his wrist watch. "Bakit ngayon ka lang umuwi?" 

"Napasarap ang kwentuhan namin." Humarap ako kay Ally. "Hi Ally! Nandiyan ka pala."

Pilit ang ngiti na tinanguan niya ako. "Hello, Tamara."

"Nag-dinner ka na ba?" Shin asked.

Tumango ako. "Pero konti lang para makapag-midnight snack tayo, hon-hon."

"Hon-hon?" Napabaling ako kay Ally na nakangisi. "Seriously, Kenshin? Hon-hon?" Bahagya pa siyang tumawa na ikanalukot ng mukha ko. "Oh. I'm sorry. No offense, Tamara. It's just na wala sa personality ni Kenshin na gumamit ng endearment."

Kahit inis na inis ako ay pinilit ko pa rin ngumiti. I raised my chin and said, "ngayon na boyfriend ko na siya, ayoko naman na tawagin lang siyang Kenshin tulad ng pagtawag ng ibang tao na walang special na connection sa kanya diba?"

Tumabingi ang ngiti niya. "Of course."

Ngumiti ako ng matamis at tumingala kay Shin. The latter just stared at me. Ipinakilala niya ako sa mga kaklase niya. And I felt so proud when he introduced me to his classmates as his girlfriend. 

I'm his girlfriend! Hah! Eat that, Ally! 

Ang ngiti ko ay unti-unting naging ngiwi dahil nakakadugo ng utak ang pinag-uusapan nila. Anong alam ko tungkol sa medisina! Kaya pasimple ko ng hinigit ang dulo ng damit ni Shin at nagpaalam sa kanya na aakyat na ako.

I took a shower then changed into my pjs. Naisipan ko munang manood ng TV sa entertainment room habang hinihintay si Shin. We always talk or watch a movie together before we sleep. After half an hour of waiting, ay sinamahan na niya ako.

"Why are you still up?" he asked as he sat beside me.

"Hinihintay kita." Yumakap ako sa kanya. 

"You should go to bed. I'm sure you're tired."

"I'm not sleepy yet."

He nodded. "Tell me about your day."

Ikinwento ko sa kanya ang mga pinuntahan at mga pinag-usapan namin ng mga kaibigan ko. Tahimik lang siyang nakinig sa akin. This has been our routine since I came to Manila. Madalas ay ako ang bangka sa kwentuhan at nakikinig lang siya. Minsan kahit walang sense ang mga ikinukwento ko sa kanya ay binibigay pa rin niya sa akin ang buong atensiyon niya. 

I always look forward to this. Kaya nagmamadali rin akong umuwi kanina na kasama ko sina Ally at Cherry. 

"Uhm.. buti bumisita ang mga kaklase mo?" pasimple kong tanong.

Hook, Line & SinkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon