Kabanata 16

13.6K 721 149
                                    

Surprisingly, walang nangyaring kahit ano nitong mga nakalipas na araw. Susana and I stayed in Damian's mansion. That same goes for Jallal.

Nakakapagtakang naging tahimik muli ang paligid. It's really strange. Lalo na dahil nakalaya si Lukio. Ayon kay Susana, si Lukio ay isang mass murderer. Bago ito makulong. Nililibot nito ang buong Imperial Empire at pumapatay ng mga taong may mahika at abilidad. Pero walang nangyayaring pagpatay nitong mga nakaraang araw.

Alam kong magandang balita iyon pero masama ang pakiramdam ko. Anong plano ni Lukio at saan siya nagtatago ngayon. Hindi ko pwedeng hanapin siya dahil baka ako ang mapahamak. Lalo na dahil hindi siya tinatablan ng aking mahika.

At tungkol naman sa crimson orb. Wala pa rin kaming alam ni Susana. Gusto kong kausapin si Damian tungkol don pero hindi ako makahanap ng tamang timing. Nagtataka din ako kung bakit hindi niya sa akin sinasabi. Lalo na dati noong malaya pa akong nakakapasok sa Imperial House. Ngayon kasi, wanted pa rin ako.

"Morta, what are you doing here?"

Nilingon ko si Damian. Ngumiti ako dito at binalingan muli ang mga bulaklak na aking dinidiligan. Wala akong magawa kaya naman. Naisipan kong magdilig sa kanilang garden.

"Watering the plants" obvious kong sagot. Lumapit pa sa akin si Damian at tumabi.

"Wala kang ginagawa?" Tanong ko naman dito.

"I don't have anything to do" sagot nito sa akin.

"It's good for you" ngiti kong usal dito.

Natigilan ako ng hawakan ni Damian ang aking buhok. Nilapit niya iyon sa kaniyang labi at hinalikan. Napakurap naman ako at hindi ko natago ang pula ng aking mukha.

"Why are you kissing my hair?" Tanong ko dito habang tinatago ang aking hiya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Why not? Your hair smells good" mahinang usal nito sa akin.

"Don't you prefer my lips?" Pang-aasar ko dito. Natigilan naman si Damian at napatitig sa akin.

Agad naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa aking sinabi. Is he going to ki—

"Damian, Morta. What are you doing there?" Biglang sulpot ni Jallal kaya naman mariin akong napapikit.

"I need to go home, Damian. Siguradong nanggagalaiti na sa inis ang aking pinakamamahal na ama" tumatawang pahayag ni Jallal.

"Don't come back" inis na usal ni Damian dito. Natatawa kong tiningnan si Damian. Ang cute niya kapag nagpipigil ng inis.

Nang bumaling sa akin si Damian ay mabilis niya akong hinalikan sa labi bago umalis.

"Ha?" Gulat kong usal dahil hindi man lang ako nakakurap sa bilis ng nangyari.

Napahawak ako sa aking labi at napangiti. Tsk. Ambilis naman.

Nang matapos ako sa pagdidilig ay agad kong niyaya si Susana papunta sa kanila. Wala si Damian sa kanilang bahay ng matapos ako sa pagdidilig kaya naman kay Tita Dana kami nagpaalam.

Malayo ang bahay ni Susana sa capital kaya naman kailangan namin sumakay sa karwahe.

Ngayon palang ako makakapunta kina Susana. Alam kong Vice-General ang tatay ni Susana. Matagal ko ng hindi nakita ito kaya naman hindi ko na tanda ang mukha ng ama ni Susana.

"Okay lang bang hindi ka nagpaalam kay Damian?" Tanong sa akin ni Susana ng makasakay kami sa karwahe.

"Oo naman, nagpaalam naman ako kay Tita Dana. Nakalimutan kong banggitin sa kaniya ito kanina" paliwanag ko dito.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now