Prologue

35.4K 1.2K 28
                                    

Abala lahat ng mga tao sa kapital ng Imperial Empire. Samut saring mga paninda ang matatanaw sa bayan. Mga magagarang damit na gawa sa matibay na pisi ng sinulid, magagarang pampaa na may iba't ibang magagandang disenyo, mga mwebles na may magandang kwalidad at madami pang iba.

"Binibini, siguradong babagay ang palamuting ito sa iyong magandang buhok" wika ng isang matandang nagtitinda ng mga palamuti sa buhok. Nangingiti lamang akong umiling bago nagpatuloy sa paglalakad.

Lahat ng taong makakasalubong ko ay malawak ang ngiti sa labi at halatang walang problemang kinakaharap. Pansin ko din ang mga kawal na nagbabantay sa bayan na ito.

Inayos ko ang hood ng cloak na suot ko dahil ito ay nalaglag na, maging ang balabal na nagtatago sa kalahating bahagi ng aking mukha ay inayos ko rin. Huminga ako ng malalim bago tinanaw ang direksyon kung saan ko huling nakita ang batang lalaki.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ito ang masasabi kong kalayaan. Malaya akong nakakapaglakad sa gitna ng madaming mga tao.

"Make way! Make way! Imperial Majesties are coming! Make way!"

Napatigil ako sa aking paglalakad ng marinig ang sigaw na iyon. Nakasimangot akong tumabi at nagbigay ng daan. Malayo pa lamang ay natatanaw ko na ang karwaheng lulan ang hari, reyna at prinsesa ng Imperial Empire.

"Oo nga pala, ngayon ko lang naalala na araw ng linggo ngayon" usal ng babae sa aking gilid.

"Iyon nga din ang aking naisip, nakakatuwa at lagi natin nasisilayan ang Imperial Family tuwing araw ng linggo" wika pa ng isang matandang babae.

"Nakakahanga hindi ba, gumagawa sila ng panahon upang tingnan ang kalagayan ng kanilang nasasakupan"

"Ang swerte natin dahil kahit noon pa man ay napakaganda na talaga ng pamamalakad ng Imperial House sa buong Imperial Empire"

"Kaya nga, ngunit bakit parang kulang sila ngayon?"

"Tama ka, wala ang isa pang prinsesa"

"Pero sa pagkakatanda ko ay lagi naman siyang wala, noong nakaraang linggo ay sigurado akong wala din iyon. Halos hindi ko nga matandaan ang mukha ng ating prinsesa"

Tumapat ang magarbong karwahe sa aming harapan. Bukas ito at kitang-kita ang mga taong nakasakay sa loob nito. Kulay puti at makintab ang balahibo ng mga kabayo.

Patuloy na kumakaway ang Imperial Family sa aming harapan. Nagtama ang paningin namin ni Hesiya. Ang prinsesa ng Imperial House, nakangiti itong kumaway sa akin bago niya ibaling sa iba ang kaniyang paningin.

Natatawa akong umalis sa aking pwesto. Pathetic bitch. Bakit ko nga ba pinanood ang mga yon, wala rin naman akong mapapala sa kanila. Isa pa, kailangan ko pang hanapin amg bubwit na yon.

Nakarating ako sa lugar na mapuno ngunit may nakatayo pa rin na gusali. Tinanggal ko na ang aking balabal na suot dahil wala na akong nakikita pang gwardiya sa paligid. Hinawi ko na rin ang hood sa aking ulo.

Nakakunot noo ako habang pinagmamasdan ang paligid. Nasa mapunong lugar ako at kapansinpansin na sa isang bahagi nito malapit sa gusali ay putol ang mga puno. Napansin ko din na puro kahoy ang gusaling iyon, maaaring tambakan ng kahoy o pagawaan ng kung ano man.

Naglakad ako papalapit sa lugar na iyon. Bumungad sa akin ang halimuyak ng kahoy. Hindi ito mabaho at hindi rin naman mabango. Ngayon ay masisiguro ko na pagawaan ito ng mwuebles na kahoy dahil may nakita akong isang upuan na sobrang ganda ng desensyo, ngunit hindi ito ang pakay ko.

Napanguso ako bago ako naglakad sa lalaking natanaw ko sa di kalayuan na nagpuputol ng puno. Lumapit ako don, siya lang kasi ang nakikita kong tao dito na hindi masyadong abala sa ginagawa.

MORTA OF IMPERIAL HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon