Kabanata 13

13.5K 709 73
                                    

MORTA's POV

Pinalabas ako ni Cruso Warden sa aking kulungan. Natanggal na din ang posas sa aking mga paa at kamay. Malawak na ngumiti sa akin si Cruso.

"You are very special Morta. Do you know that?" Usal nito sa akin nang magsimula na akong maglakad habang nakasunod sa kaniya.

"Maybe or maybe not" walang ganang saad ko dito. Tumawa naman ito sa akin.

"What an answer you have there" saad nito sa akin.

Napatingin naman ako sa mga kulungan sa aking paligid. Tama nga si Cruso. Walang kahit na sinong kriminal ang nakakulong dito. Pakiramdam ko ay inabanduna na ang lugar na ito.

"Why do you badly want Lukio to be killed?" Tanong ko dito. Lumingon ito saglit sa akin bago ituon muli sa harapan ang kaniyang paningin.

"Like what I've said. He doesn't deserve to live. He doesn't deserve to be here. He's a monster, Morta" sagot nito sa akin kaya naman nangunot ang noo ko.

"What exactly did he do?" Kyuryosong tanong ko dito.

"I can't tell you that. You need to ask him by yourself" sagot nito sa akin.

Natahimik naman ako. Pakiramdam ko ay wala ng katapusan ang paglalakad ko. Padilim din ng padilim ang aming daan.

Tumigil lang kami sa harap ng malaking rehas. Pakiramdam ko ay nakaharap ako sa isang malawak at malaking gate. Madilim ang loob nito kaya naman hindi ko makita ang loob.

"He's in there. I can't go with you" baling sa akin ni Cruso Warden.

Biglang bumukas ang pinto na daanan papunta sa loob ng malaking rehas na nasa harapan ko. Nang ibalik ko kay Cruso ang aking tingin ay wala na ito sa aking tabihan.

Napalunok naman ako bago humakbang papasok.

Nang makapasok na ako ng tuluyan ay nakaramdam agad ako ng panlalamig at panginginig. Sa hindi ko alam na dahilan ay nagsimulang magtaasan ang aking balahibo. Wala akong makita bukod sa kadiliman ng paligid.

I never been this scared. Hindi ako makagalaw dahil sa  enerhiya sa buong lugar na ito. Napakalakas.

"Hmm. A Velzaimore"

Napigil ko ang aking paghinga dahil sa aking narinig. Maging ang boses na iyon ay nagbigay ng kakaibang takot sa aking katawan.

Hindi ito ang inaasahan ko. I am Morta. Hindi dapat ako madaling matakot lalo na sa isang kriminal na matagal ng nakakulong dito pero hindi. Hindi ko alam ang aking gagawin. Natatakot ako. Natatakot ako para sa aking buhay.

Gusto kong umatras pero paano?

"Still a child. What are you doing here my niece?" Usal nito.

Madilim. Wala akong makita. Bukod sa kaniyang boses. Wala na akong marinig pa. Napakatahimik.

"I can smell your fear, my niece. Are you here to kill me?" Rinig ko ang pagngisi nito sa huli niyang sinabi.

"Yes" maikli kong sagot dito.

"Really?"

Nanlaki ang aking mga mata ng bigla nalang may bumulong sa akin. Ramdam ko ang lamig ng hininga nito sa aking tenga. Nagtaasan lahat ng balahibo ko at nanginig ang aking kamay sa takot.

"You can't hurt me" usal ko dito. Humagikhik naman ito.

"Do you think your magic can protect you from me?"

Pagkatapos niyang sabihin iyon. Namalayan ko nalang na hawak na niya ang aking leeg at mariin na akong nakasandal sa pader. Nakalutang din ako dahil sa kaniyang pananakal. Sobrang bilis ng nangyari. Hindi man lang ako nakakurap.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz