Kabanata 7

16K 870 112
                                    

Linggo ngayon at hindi ako sumama kina Helena at Fernando sa Kapital. Ayokong kumaway ng kumaway sa mga taong hindi naman ako kilala.

"Susana!" Malakas kong tawag at agad itong pumasok sa aking silid. Pinanliitan ko siya ng mata bago bumaling sa may balkonahe.

"Sabi ko sayo, huwag mong isasara ang balkonahe hindi ba" saad ko dito. Naligo lamang ako pero pagkatapos ko ay nakasara na ang balkonahe. Hindi napasok ang hangin.

"Bakit ba ayaw mong isara ang balkonahe mo?" Tanong nito sakin na para bang wala akong pinupunto.

"Basta, huwag ka na lamang magtanong" saad ko dito at lumabas na ng aking silid.

"Saan naman ang punta mo ngayon?" Tanong nito sa akin habang nakasunod. Tumigil ako sa aking paglalakad at hinarap si Susana. Napanguso ito. Halatang alam kung bakit ako tumigil.

"Huwag mo na kong sundan. Sa Imperial Library lang ako" usal ko dito. Tumango naman siya dahil alam niyang bawal siyang pumasok doon.

Dalawa ang library sa Imperial House. Ang isa ay normal na library at ang isa naman ay ang Imperial Library. Nasa dulo ito ng pangalwang palapag. Nang makarating ako ay agad akong pumasok.

Sobrang lawak. Sa gilid ng silid na ito ay ang mga libro na napakaimportante sa Imperial Empire. Sa gitna naman matatagpuan ang Imperial Book. Lumapit ako don upang tingnan ngunit katulad ng dati ay wala itong sulat. Napanguso ako.

"Oh, ambilis mo naman ata" bungad sa akin ni Susana paglabas ko ng Imperial Library. Hindi ko alam na inaantay pala niya ako.

"Wala, naboring agad ako. Duon naman tayo sa isang library" usal ko. Masaya namang sumunod sa akin si Susana dahil makakapasok na siya doon.

Nang makapunta kami sa library ay agad kong binuksan ang sliding window na may magarang disenyo. Umihip ang hangin kaya naman napangiti ako. Mas lumiwanag dahil sa binibigay ng nakabukas na bintana.

"Tatakas ka ba?" Usal sa akin ni Susana. Napakunot ang noo ko.

"Bakit mo natanong?"

"Wala, akala ko lang at isa pa, wala pang kawal sa baba  oh! Tingnan mo"

Sumilip naman ako at tama nga si Susana. Walang tao sa baba. Sabagay, linggo ngayon at hindi nila hinigpitan ang pagbabantay sa akin dahil akala nila ay hindi naman ako tatakas.

"Wala akong ganang lumabas pa" pagsasabi ko ng totoo.

Sa library na ito. Madaming shelves at libro. Hindi ko na alam kung nasaan si Susana dahil naghahanap din ito ng libro niyang pwedeng basahin at ako naman hindi ako lumalayo sa nakabukas na bintana dahil maaliwalas.

Abala ako sa paghahanap ng libro ng biglang umihip ang malakas na hangin kaya naman napabaling ako sa biglang nagsarang bintana. Maglalakad na sana ako upang buksan muli iyon ay hindi ko na nagawa dahil sa brasong nakapulupot sa bewang ko.

Amoy pa lamang nito ay alam ko na agad kung sino ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Damian.

"Wala" simpleng sagot niya at binitawan ako. Hinarap ko naman siya at kinunutan ng noo.

"Wala ka bang trabaho?" Pagtatanong ko dito. Umiling naman siya.

"Morta"

Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Damian. Sinenyasan ko siyang huwag maingay.

"B-bakit?" Tanong ko dito. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan na baka mahuli kami ni Damian. Ano naman kung mahuli kami, wala naman kaming ginagawang masama.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now