Kabanata 22

11.9K 576 20
                                    

In conclusion, Damian is not here. He's with Jallal to find the whereabouts of Lukio.

Noong una akala ni Jallal na nagiistay si Thalia sa headquarters ng organization nila pero hindi. Ang mga nasa headquarters lang ay ang mga miyembro ng organization ni Thalia. Kaya naman ngayon, hinahanap nila ang bahay nito o kung saan ito tumutuloy dahil siguradong magkasama sila ni Lukio.

Kailangan rin nila itong mahanap upang malaman ang plano nila. Ayon kay Susana. Ginagawa lahat ni Vice-General Kenning at ng mga Councilors ang lahat upang matulungan ako. Isa pa, hindi nila pwedeng hayaan si Lukio na malaya.

Ayon din kay General Aislezan. Hindi niya madetect sa kaniyang clairvoyance si Lukio. Ibig sabihin may nag-iingat talaga si Lukio na huwag mahuli.

We lack power. I am just a princess right now. I can't sit on the throne without the acknowledgement of the crown.

Noong kinoronahan si Fernando, nasa kamay na niya ang Imperial Seal. Ibig sabihin, hindi siya pwedeng tanggihan ng korona.

Like my crimson orb. The crown of the ruler of Imperial Empire is not ordinary. There's no spirit inside the crown but it is blessed by the Goddess of Empire. Meaning, pwede nitong tanggihan ang taong magsusuot sa kaniya. Kapag tinanggihan ka nito ibig sabihin, wala kang karapatan na maupo sa trono. You are not qualified to become a ruler. That's why the crown is called 'The Crown of the True Ruler".

Pero hindi ka nito pwedeng tanggihan kapag nasa possession mo ang Imperial Seal. Imperial seal must be protected at all cost. Iyon ang number one rule kapag naging hari o reyna ka. If you failed to protect the Imperial Seal, you are not qualified. Ibig sabihin, madedethroned ang sinumang taong hindi nagawang protektahan ang seal.

Hindi ko alam kung anong ginawa ni Lukio pero nagawa niyang mapasakamay ang Imperial Seal. Ibinigay niya iyon kay Fernando matapos niyang utusan itong patayin ang mga magulang ko.  They used a dirty method. Ni hindi manlang nakalaban ang aking mga magulang.

Right now, I really need the Imperial Seal. Pero hindi ko alam kung nasaan iyon. Kung gusto kong maging reyna, kailangan ko iyon. Pero may isa pang paraan na hindi kinakailangan ng Imperial Seal.

Kailangan lang na maacknowledge ako ng Crown of the True Ruler. Iyon lang ang kailangan ko.

Pero ang alam ko, hindi ka nito basta tatanggapin. Kinoronahan ang mga nakaraang hari at reyna ng Imperial Empire dahil sa pagpapasa ng Imperial Seal. Ibig sabihin, wala pang kahit na sinong naupo sa trono dahil naacknowledge sila ng korona. Kaya naman mahihirapan ako sa bagay na iyon.

Hindi ko alam kung anong dapat gawin ko para matanggap ako ng korona na iyon. Siguradong wala rin akong mababasa at mahahanap sa libro.

If I failed to sit on the throne. Guguho ang buong Empire at alam kong iyon ang binabalak ni Lukio. Gagawin niya ang lahat para hindi ako mapaupo sa trono.

"Ate Morta, anong iniisip mo? Kanina ka pang tulala" saad sa akin ni Damon.

Naglalakad kami ngayon sa plaza. Matapos kong kausapin si Susana at si General Aislezan ay hinigit ako ni Damon papunta dito. Katulad ng dati, madaming tao at mukhang wala silang pinoproblema.

Hindi nila alam na kahit anong araw ay pwedeng magkagulo sa buong lugar na ito.

"Mukhang ang lalim ata ng iniisip mo, Ate Morta" usal pa nito. Napailing naman ako.

Nagpunta kami sa tindahan ng mga pagkain.

"Morta!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Nakangiting kinawayan ako ni Bereth at kasama niya si Jev.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now