Kabanata 2

18.1K 927 54
                                    

"Tumakas ka na naman!" Dumagundong ang malakas na boses ni Fernando.

Kinusot-kusot ko ang aking mata. Kakagising ko pa lamang. Ito na agad ang bumungad sa akin. Wala na bang mas igaganda pa ang araw na ito. Sarkasmo akong tumawa dahil sa aking naiisip.

"Oh, kahapon pa yon. Pwede ba, ayokong mag-almusal ng sermon mo Fernando" tumayo ako at naglakad patungo sa aking banyo.

Bumakas ang pagkainsulto ni Fernando sa aking pagtawag sa kaniya. Napangisi na lamang ako.

"Wala kang galang! Ako ang ama m—" napatigil siya sa kaniyang pagsasalita ng tiningnan ko siya ng matalim. Tumawa ako ng pagak.

"Ikaw, Ama ko? Kailan pa? Simula ng naging hari ka?" Nang-uuyam na tanong ko dito. Hindi naman nakaimik si Fernando. "Naiinis ka ba na ganon pa din ang tawag ko sayo? Alam ko, para sa akin, kanang kamay ka lang ni Ama at kahit kailan, hindi iyon magbabago"

Nang matapos akong maligo ay nagsuot ako ng magarbong bistida. Wala naman akong pagpipilian dahil iyon ang dapat na suotin kahit sa normal na araw na ito.

"Susana!" Tawag ko sa labas ngunit walang pumasok na Susana ilang minuto ang nakaraan.

"Susana!" Malakas kong sigaw ngunit wala pa rin. Tsaka ako nakaramdam ng kaba. Mabilis akong lumabas sa aking silid.

Dalawang kawal ang nadatnan ko sa labas ng pintuan ng aking silid. Pinagkrus nila ang kanilang hawak na espada ng sa gayon ay hindi ako makalabas.

"Mahigpit pong ipinagbabawal na lumabas kayo mahal na prinsesa" magalang na pahayag ng kawal.

"Gutom na ko. Gusto kong kumain" pagdadahilan ko upang makalabas ako sa aking silid.

"Hindi na po kailangan lumabas mahal na prinsesa. Papadalhan nalang kayo sa inyong kwarto ng pagkain" saad muli ng kawal.

Napapikit ako ng mariin at marahas at malakas na sinaraduhan ang pinto ng aking silid. Nagpaikot-ikot ako. Binuksan ko ang balkonahe sa aking silid. Sumilip ako sa ibaba at nakita kong napakadaming kawal kumpara kahapon at sa nakalipas na araw.

"Fuck!" Sigaw ko at ginulogulo ang aking buhok.

Paano na ako makakalabas ngayon. Nangako pa naman ako kay Damon na magkikita kami dahil kaarawan ngayon ni Damian. Kung kanina ay normal na araw lang ito para sa akin ay ngayon ay hindi na.

Binuksan kong muli pinto. Ganon pa din ang aking naabutan na postura ng kawal.

"Nasaan si Susana?" Maawtoridad kong tanong. Si Susana lang ang kailangan ko upang makatakas.

"Bawal din ho kayong lapitan ng inyong personal na katulong, mahal na prinsesa" saad ng kawal na ikinainit ng ulo ko.

Dinalhan ako ng pagkain ng magtanghali na. Matapos kumain ay umisip ako ng paraan upang makalabas. Hindi ako mapipirmi sa loob ng silid na ito. Maliban nalang kung igapos nila ako.

"Samahan niyo ko" lumabas ako. Hindi naman nagsalita pa ang dalawang kawal. Siguro ay pwede akong lumabas kapag kasama sila. Napairap nalang ako sa ere.

Pagkababa ko sa grand staircase ay naabutan kong abala ang lahat dahil iyon sa gaganaping kaarawan ni Hesiya bukas. Ngayon palang ay pinaghahandaan na nilang mabuti.

"Hindi ka pwedeng lumabas" sita sa akin ni Hesiya ng makasalubong ko siya. Tumaas ng kilay ko. Napatingin siy sa aking kasuotan. Magarbo iyon at maganda. Kumpara sa kaniya. Kita ko ang inggit sa kaniyang mga mata.

"Hindi pa ngayon ang selebrasyon ng kaarawan ko. Bakit suot mo na agad ang iyong gown na gagamitin?" Mapang-asar na tanong niya. Umirap lang ako sa ere.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now