Kabanata 8

15.8K 866 195
                                    

Kanina pa umalis si Damian at nakapagbihis na din ako ng bagong bestida. Nakaupo ako sa sofa sa malaking sala nila Damian ng mapagpasyahan kong puntahan si Tita Dana sa kusina. Naabutan ko itong abala sa paggagawa ng cookies.

"Oh, Morta" nakangiti nitong bungad sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi lumapit dito.

"Umalis ba si Damian?" Tanong nito sa akin ng makalapit ako. Tumango naman ako. Naalala ko naman na sinabi pala nitong pupuntahan niya ang kaniyang ama. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi nila kasama ang kanilang ama.

"Pupuntahan daw po ni Damian ang kaniyang ama" saad ko dito. Napansin ko naman na bahagyang natigilan si Tita Dana. Nangunot ang noo ko.

"Ganon ba" pilit itong ngumiti sa akin ngunit halata ko ang kakaibang emosyon na bumalatay sa kaniyang mukha.

Gusto kong magtanong tungkol doon ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil masyadong personal. Nang matapos si Tita Dana sa pagbebake ng cookies ay tinulungan ko siyang magdala sa dining area.

"Pakitawag nalang si Damon, Morta. Ako na ang bahala sa juice" saad sa akin ni Tita Dana. Tumango lang ako bago lumabas ng bahay.

"Damon!" Tawag ko sa gitna ng mga puno. Nagbabaka-sakaling marinig ni Damon.

Nang makalayo ako tsaka ko lang naalala kung nasaan sitwasyon ako. Nakalimutan kong hinahanap nga pala ako ng mga rebelde na nakasuot ng itim na cloak, ng Imperial Councilors at ng mga kawal ng Imperial House.

Napangiwi ako. Inilibot ko ang aking paningin at halos mapasabunot ako sa aking ulo ng hindi ko na alam kung nasaan ako. Akala ko ay saulo ko na ang palibot na kagubatan sa bahay nina Damian ngunit hindi pa pala.

Sinubukan kong maglakad, nagbabakasali na dalhin ako ng mga paa sa pabalik sa bahay nina Damian ngunit halos sumakit na ang paa ko ng hindi pa rin ako nakakalabas ng kagubatan. Pakiramdam ko ay nakapasok ako sa mas komplikadong kagubatan na halos puno lang ang aking natatanaw.

"Hello! May tao ba dito maliban sa akin?" Sigaw ko sa gitna ng mga puno. Napangiwi ako ng walang sumagot. Nagliparan lang ang mga ibon dahil sa sigaw ko.

Siguradong malalagot ako kay Damian. Malinaw na sinabi niya na huwag akong lalabas ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit nawala iyon sa isip ko. Nakalimutan din ata ni Damian na hindi ako napirmi sa isang lugar lamang pero hindi ko naman talaga balak na mawala.

Napakamot ako sa aking ulo. Sa tuwing hinahanap ko ang bubwit na Damon na yon ay naliligaw lang ako. Sa susunod ay hindi ko na hahanapin ang gala na batang iyon. Kung saan saan nagsususuot. Hindi niya ba alam na delikado na ngayon sa labas lalo na dahil nagkalat ang rebelde, baka makuha din siya ng mga ito.

Napailing ako sa aking mga naiisip.

"Freaking hell!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot sa harapan ko ang isang taong nakasuot ng itim na itim na cloak at katulad ng kasamahan nito. May takip din ang kalahati ng mukha nito.

"Wag kang lalapit. Sige pag lumapit ka sakin mamamatay ka" natatarantang usal ko ng humakbang ito palapit sa akin. Napahinga naman ako ng maluwag ng tumigil ito. Hindi sigurado kung naniwala ba sa akin o hindi.

"Morta Velzaimore" usal nito gamit ang nakakatakot na tono. Parang hinugot sa napakalalim na baul ang boses sa sobrang lalim. Napakagat labi ako bago napangiwi. Hindi ito maganda.

"Huh? Sino yon? Pangalan mo ba yon?" Pagkukunwari ko. Hindi nila ako pwedeng makuha.

Kinakabahan ako dahil baka ang mahika niya ay lason o kung ano mang uri ng pampatulog. Siguradong lagot ako kapag nagkataon.

MORTA OF IMPERIAL HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon