Kabanata 14

13.7K 729 88
                                    

Jallal's POV

"Anong nangyari?" Bungad agad sa amin ni Susana. Kasunod nito ay ang gulat na mukha ng nanay ni Damian at ang bunsong kapatid nitong si Damon.

"Hindi rin namin alam, basta bigla nalang namin siyang nakitang nakasandal sa puno at duguan na" sagot ko naman dito.

Maging ako ay kinakabahan. Lalo na kanina noong nakita ko si Morta na napapalibutan ng dugo. Hindi ko mapigilang hindi matakot. I can easily use my spatial magic but I know her blood can easily kill me in an instant. Kaya naman hindi agad ako nakahakbang agad. Alam kong maging si Damian ay nagdalawang isip din bago lapitan si Morta.

"May mga bangkay ba sa paligid niya? Hindi ito pangkaraniwan. Dapat ay kanina pa tumigil ang pagdaloy ng dugo sa kaniyang sugat na kaniyang natamo" paliwanag pa ni Susana habang nakasunod kami kay Damian patungo sa kaniyang silid.

Mabilis naman na umalis si Tita Dana upang kumuha ng tubig at towel.

"Wala, walang bangkay sa paligid niya. Isa pa, bago namin siya nakita. Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa loob mismo ng Imperial House. Malaki ang tyansa na nagkakagulo na ang mga tao don ngayon dahil sa pagsabog na iyon"

Inilapag ni Damian ang namumutlang si Morta. Hindi pa rin natigil ang pag-agos ng dugo sa kaniyang tiyan kung saan siya napuruhan. Kung sino man ang gumawa sa kaniya nito, sigurado akong hindi iyon pangkaraniwan na tao.

Lumapit si Tita Dana sa tabi ni Morta dala ang kaniyang mga kinuha.

"Ako na ang bahala na kay Morta. Tatawagin ko nalang kayo kapag nalinis ko na ang sugat ni Morta" baling sa amin ni Tita Dana.

Tumango naman kami. Nauna nang lumabas si Susana. Napatingin naman ako kay Damian na hawak ang kamay ni Morta habang mariin na nakatitig dito. Napabuntong hininga naman ako.

"Damian, ako na ang bahala dito. Wag ka mag-alala" malambing na usal ni Tita Dana sa anak nito.

Napipilitan na tumayo si Damian kaya naman nagsimula na akong maglakad palabas ng silid.

"Akala ko ba wala kang nararamdaman para kay Morta?" Siniko ko si Damian ng makalapit ito sa akin.

Seryoso ako nitong tiningnan.

"Seryoso ka ba talaga Jallal? Gusto mo talagang pag-uspan natin ang tungkol diyan?" Inis nitong saad sa akin.

"Bakit naman hindi? Kanina ka pa rin namumutla simula ng nakita mo si Morta. Wag mong sabihin na malapit kana din maubusan ng dugo? Teka baka may malaking sugat ka din" Natatawang usal ko habang umaarteng may hinahanap sa katawan nito.

Tinulak ako ni Damian at masama akong tiningnan.

"Wag ngayon Jallal. Hindi ka nakakatawa" usal nito at mabilis na naglakad. Sinundan ko naman ito patungo sa kanilang kusina.

"Seryoso, kanina ka pa namumutla simula ng makita natin si Morta"

Ganon ba siya sobrang nag-aalala kay Morta?

Uminom ito ng tubig at nang matapos ay napatitig ito sa kawalan. Napakurap-kurap naman ako.

"Damian, okay ka lang?"

"I got scared earlier. Seeing her blood, I realize how powerful her magic is. I thought for a second that if I step any closer to her I will get killed. That's how dangerous she is and it's too late when I realize that she needs help. That's how stupid and coward I am earlier. I hate to admit it to myself. I am not brave enough to handle her. It's just my mind was clouded for a second with thoughts about her magic"

Mahabang saad nito sa akin. Napakurap naman ako dahil hindi ko inaasahan ito kay Damian.

"Seriously dude?" Iyon lamang ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa lahat ng sinabi niya.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now