Kabanata 11

14.1K 724 8
                                    

Alam ko kung bakit natatakot si Susana para sa akin. Hindi pangkaraniwan ang dungeon namin. Ang pagkukulungan sa akin ay may kakayahan na humigop ng enerhiya sa katawan ng tao.

Walang kasiguraduhan kung makakatakas ako. Pero kampante ako sa aking plano. Hindi rin ako magtatagal sa dungeon o kung magtatagumpay ako sa una kong plano ay baka magawa ko pang makatakas.

Ang kailangan kong gawin ay malaman kung sino ang tao sa likod ni Helena at Fernando.

Malakas na bumukas ang pinto ng aking silid. Nagbigay daan ang kawal sa naglalakad na si Hesiya. Nilapitan ako nito. Bakas na bakas sa kaniyang mukha ang nang-aasar na ngisi. Humalukipkip ito sa aking harapan.

"Morta, Morta, Morta. Do you really think that you can have the throne?" Taas noong usal nito habang may ngising nakapaskil sa kaniyang labi.

Ngumiti naman ako dito.

"Are you trying to intimidate me?" Tumawa ako ng malakas. "You know, it's not working. Try harder Hesiya"

Napakurap ng ilang beses si Hesiya at bakas sa kaniyang mukha ang inis. Ngunit pinilit pa rin niyang tapangan ang kaniyang mukha.

"You can't have the throne, Morta. You are nothing but a nobody!" Sigaw nito sa akin. Lalong lumawak ang ngisi ko dito.

"A nobody? Me?" Natatawang inilingan ko si Hesiya. Kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

"Don't try to kid yourself, Hesiya. We both know who I really am. Don't flatter yourself by dragging me down. Calling me a nobody? Where's your respect, Hesiya?" Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ko kaya naman napaatras si Hesiya ng wala sa oras.

Lumikot ang mga mata nito. Halatang ayaw tumingin ng diretso sa aking mukha. Napangisi ako sa kaniyang naging reaksyon. Scaredy cat heh!

"See, you can't do what I can, Hesiya. I can make you kneel infront of me but I am not that bad"

Hindi nakaimik si Hesiya sa akin. Matapang lang naman siya kapag nasa paligid si Fernando at Helena dahil alam niya na may magpoprotekta sa kaniya. Ngayon na wala ang dalawa sa paligid, alam kong hindi niya kakayanin na magtapang-tapangan sa harap ko ng matagal..

"Hindi niyo ba ako huhulihin? What are you waiting for?" Baling ko sa kawal na malapit sa pintuan. Nilapitan ako ng mga ito at nilagyan ng bakal na posas.

Tiningnan ako ng masama ni Hesiya. Binigyan ko naman ito ng matamis na ngiti. Nagmamadaling lumabas si Hesiya sa aking silid.

Madaming kawal ang nakasunod sa aking likod at meron din sa harap. May dalawa naman na nag-aalalay sa akin dahil nilagyan din nila ng posas ang aking paa. Nakakalakad naman ako ng maayos kahit hindi nila ako alalayan. Akala ba nila ay makakatakas ako sa dami nila?

Kinig na kinig ang bakal sa aking paanan habang ako ay naglalakad. Nakayapak din ako kaya naman ramdam na ramdam ko ang lamig ng marmol na sahig.

Nang makarating kami sa throne room ay naglakad kami sa malawak na red carpet patungo sa mataas na trono ng hari at reyna. Pinaluhod ako ng kawal nang nakarating kami sa gitna.

Nakaupo si Fernando at Helena sa kanilang trono habang seryosong nakatingin sa akin.

"How dare you to planned a treason against us, Morta!" Sigaw ni Fernando sa akin.

"Treason? What a lame plan to frame me. Go ahead. Throw me in a dungeon" nakangiti kong pahayag dito.

"Hindi ka namin pinalaki para mag-rebelde sa amin!" Sigaw naman ni Helena. Tumawa ako dito.

"For the record, you didn't raise me. I raised myself" nakangisi kong pahayag sa kanila. Nakita kong nagtiim bagang si Fernando dahil sa sobrang pagkainis sa akin.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now