Kabanata 25

12.3K 689 96
                                    

MORTA'S POINT OF VIEW

I don't know what her goal. Thalia is crazy. Pero malakas ang pakiramdam ko na wala siyang balak patayin ako. Kung hindi nakatakas si Lukio. Malamang na ako pa rin ang papaupuin niya sa trono ng sapilitan. Hindi siya magdadalawang isip na patayin si Fernando at Helena para mapaupo ako kaya naman alam kong hindi siya ang nagbabalak na patayin ako.

Kung ganon, ibig sabihin si Lukio. Why? Bakit gusto niya akong patayin? Noong una akala ko tinatakot lang niya ako. Noong nakatakas siya, hindi niya ako hinanap. Noong nagkita ulit kami, wala siyang ginawa kaya naman ang akala ko, tinatakot niya lang ako. Akala ko, baliw lang talaga siya. Pero, hindi. Gusto niya akong mamatay.

Napatulala ako sa kisame.

Did he know? If I die the Empire will fall into ruins? Did he know about that? I can't think of anything. Maybe he knew. All this time. That's why he's so obsessed to kill me. After all, his plan is to make the Empire fall.

Pero parang may mali. Lukio is helping Thalia with her plan.

"Aahhhh! I can't think straight" saad ko bago tumagilid.

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko ang natutulog na mukha ni Equina. Nakalimutan kong katabi ko nga pala siya.

Tumagilid muli ako sa kabilang side pero halos mapatalon din ako sa gulat ng tumabad sa akin ang walang damit na si Damian.

Why is he here!

Sinilip ko ang mukha nito at nakita kong mahimbing na itong natutulog. Kanina pa ba siyang nasa tabi ko?

What a sneaky guy.

Wala akong kaalam-alam na pumunta siya dito at humiga.

Napangisi naman ako ng sulyapan ko ulit ang perpektong katawan ni Damian. Gusto kong hawakan ang abs niya.

Sinilip kong muli kung ang natutulog nitong mukha. Nang masiguro ko na tulog na ito ay dahan-dahan kong hinawakan ang abs nito.

Halos mapunit ang bibig ko dahil sa aking ngiti. Ito lang ang chance ko. Sa susunod, baka di ko na'to magawa.

"What are you doing?"

Halos mapatayo ako sa pagkakahiga ng marinig ko ang paos na boses ni Damian. Nanigas ang aking katawan at hindi ko naalis ang aking kamay na nakahawak sa kaniyang abs.

Akala ko ay nahuli na niya ako pero napansin kong nakatulog ulit ito. Sigh..

Nagising ako dahil sa bigat ng aking katawan. Pakiramdam ko ay may nakadag-an sa aking katawan. Iminulat ko ang aking mata at nakita kong nakapulupot sa akin si Damian habang si Equina naman ay nakayapos sa ulo at ang paa nito ay nasa leeg ko.

What the hell.

Pwersahan akong tumayo kaya naman nahulog si Damian sa kama. Tumalsik naman sa gilid si Equina. Wala akong pake. She's strong. She's a dragon. Hindi siya basta mababalian ng buto.

Nag-unat ako ng katawan. Napansin ko naman na naalimpungatan na si Damian. Tumayo ito at nakita kong naka boxer lang ito kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"What happened?" Tanong nito habang hawak ang kaniyang ulo.

Napatingin naman ako kay Equina na naglalakad habang nakapikit. Bumalik ito sa pagkakahiga at natulog ulit.

"Damian, why are you here?" Tanong ko naman kay Damian ng tumayo ito.

"This is my room" sagot naman niya sagot. Napairap naman ako.

"I mean, why did you sleep here?"

"Can't I? This is my room" sagot muli nito.

Pinanlakihan ko ito ng mata.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now