Kabanata 3

17.1K 866 47
                                    

Hindi ako mapakali habang nakatingin sa papalayong pigura ng dalawang tao. Bitbit ng lalaking malaki ang katawan ang bata. Parehas silang nakacloak na itim at parehas nakatago ang kanilang mukha sa itim na tela.

Nagkakagulo na ang mga kawal sa paghahanap sa batang bigla nalang nawala. Kung ganon, ako lamang ang nakapansin sa kahina-hinalang mga tao na iyon.

Hindi na ako nagtangka pang sundan ang dalawa kahit binabagabang ako ng aking isipan na baka masasamang tao iyon.

Nang makauwi ako ay nagkakagulo din sa Imperial House. Napakadaming kawal sa labas at loob. Triple ang bilang kumpara sa normal na araw. Napakagat ang labi ko ng natanto kong ako ang dahilan kung bakit sila nagkakagulo. Muntik ko ng makalimutan na tinakasan ko nga pala ang kawal na nagbabantay sa akin.

"Morta!" Malakas na sigaw ni Helena. Tila nabunutan ng tinik ng makita ako. Hindi ko alam kung bakit. Napaka impossible kung iisipin kong nagaalala siya sa akin dahil kahit kailan ay hindi naman niya ako magagawang ituring na anak at ganon din ako sa kaniya.

"Napakatigas talaga ng ulo mo Morta!" Napapikit ako ng marinig ang boses ni Fernando. Nawala na sa isip ko na mangyayari ito pagdating ko. Edi sana nagawan ko ng paraan.

Nasa may garden palang ako ng Imperial House ng salubungin nila ako. Ngayon dumating naman ang nanggagalaiting si Hesiya. Napataas ang kilay ko. Ano naman ang kinagagalit ng isang ito.

"Hindi ka talaga nakikinig. Kahit may bantay kana ay nagawa mo pa din kaming takasan! Hindi ba't sinabi ko naman sayo na huwag na huwag kang lalabas ng Imperial House! Mahirap bang intindihin ang bagay na iyon?" Galit na galit na pahayag ni Fernando. Taas noo kong tiningnan si Fernando ng mariin.

"Bigyan mo ko ng sapat na paliwanag kung bakit hindi ako pwedeng lumabas ng Imperial House" mariin kong lintanya.

Ramdam na ramdam ko ang tulis ng tingin sa akin ni Hesiya. Kaya naman binalingan ko siya ng tingin at tiningnan mula ulo hanggang paa. Anlaki na naman ng problema nito sa akin.

Hindi ako nasagot ni Fernando. Tila napipi sa aking tanong. Hindi ako nagreklamo noong bata pa ako. Ngayong nasa tamang edad na ako, gusto kong malaman ang dahilan kung bakit hindi ako pwede sa labas ng Imperial House. I just need a valid reason. Kung mabibigyan nila ako ay may posibilidad na sundin ko sila ngunit wala. Mas pinipili pa nilang manahimik kaysa sagutin ang simpleng tanong ko.

"Tsaka niyo ako pagbawalan, kapag may dahilan na kayo na pagbawalan ako. I am not a child anymore. Kung gugustuhin ko, kayang-kaya kong patalsikin kayong dalawa sa trono niyo!" Tumaas ang tono ng boses ko.

Kita ko ang panandaliang takot na namuo sa mata nila, mabilis naman itong nawala. Napalitan iyon ng matinding galit. Napangisi naman ako.

Bakit sila matatakot, hindi ba nila naisip na hindi ko kaya iyong gawin sa ilang kadahilanan. Una, sila ang hari at reyna. Pangalwa, wala akong sapat na rason para patalsikin sila pangatlo wala akong pake sa trono.

Natatawa kong tiningnan ang tatlo.

"What a happy family" nakabungisngis kong pahayag. Lalong nainis sa akin si Hesiya kaya naman binalingan ko siya at nilapitan.

"Anong problema mo sakin?" Seryoso kong tanong dito. Nakita kong nakayukom ang kamao niti dahil sa matinding galit. Ngumisi ako sa kaniya.

"Sinadya mo ito!" Pagalit niyang sigaw sa akin. Naguluhan naman ako sa kaniyang sinabi.

"Alin ba? Ang pagtakas? Malamang" bakas sa boses ko sarkasmo. Lalong namula ang mukha niya sa galit. Natatawa ko siyang pinagmasdan.

"Oo, tumakas ka upang mapunta sayo ang buong atensyon! Dahil sayo, tinigil ang pag-aayos para sa kaarawan ko!" Namumula nitong pahayag. Lalong lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi niya.

MORTA OF IMPERIAL HOUSETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang