Kabanata 4

16.4K 842 88
                                    

"Susana, patapos na ba ang party sa bulwagan?" Kyuryoso kong tanong habang nakatitig sa kulay silver na gown. Siguradong mapapalingon ang kahit sino kapag nahagip ng gown na ito ang line of vision nila.

"Hindi pa Morta, kasisimula palang kanina ng sayawan. Sa palagay ko ay magtatagal pa iyon hanggang matapos ang araw na ito" saad ni Susana. Napangisi ako.

"Ayusan mo ko" usal ko kay Susana. Tila natuwa naman siya sa gusto kong mangyari. Ayaw na ayaw kong inaayusan ako kabaligtaran ng gusto ni Susana na ayusan ako. Kaya naman ngayon, galak na galak siya.

"Sa wakas. Nalungkot ako dahil akala ko ay wala kang balak na makisali sa kasiyahan sa bulwagan dahil para iyon kay Hesiya" pagkukwento ni Susana habang inaayusan ang aking buhok. May kung anong palamuti siyang inilagay sa messy bun kong ayos ng buhok.

"Bilang mabait na kapatid, hindi ba ay dapat umattend ako baka malungkot iyon kapag hindi ako nakitang naiingit sa kaniya" sabay kaming natawa ni Susana sa aking sinabi. Totoo iyon, baka ngayon malungkot siya dahil hindi ko masasaksihan ang engrade niyang celebration kumpara sa akin.

"Nilinis mo na ba yung mga bakal?" Pagtatanong ko. Pumikit ako ng mariin dahil sa isipan na magkasama kami kanina ni Damian sa Cr. Hindi ko alam kung bakit kumakalabog ang puso ko kapag nakikita ko sa isip ko ang imahe na iyon.

"Oo, paano mo yon natanggal? Mukhang sirang-sira" usal ni Susana. Napangiwi ako. Bakit ko pa kasi tinanong ang tungkol doon, ngayon kailangan kong umisip ng dahilan.

"Tapos na ba?" Pag-iiba ko sa usapan dahil wala akong maisip na dahilan. Ganon kahirap sa akin ang magpalusot kay Susana dahil alam ko, malalaman niya ang totoo kapag nagsinungaling ako.

"Okay na" masayang sabi ni Susana. Napatingin ako sa salamin sa aking harapan.

Ang kulay abong buhok ko ay nakaayos sa messy bun. May nakalaglag na hibla ng buhok sa tabihan. Madami ding palamuti ang nakalagay sa aking buhok. Hinwakan ko ang silver kong kwintas na may kulay asul na dyamante. Sakto lang sa sukat ng aking leeg.

"Napakaganda mo Morta" usal ni Susana habang nakatitig sa akin. Sumeryoso naman ako sa kaniyang sinabi. Imahe ng aking Ina ang nakita ko sa aking isipan at ang katagang sinabi ni Susana na lagi niyang sinasabi sa akin. Napalunok ako.

Matapos kong mag-ayos at magbihis ng gown ay lumabas na ako ng silid. Napangisi ako. Winaglit ang saglit na lungkot na aking nadama kanina lang. Huminga ako ng malalim. Dahan-dahan akong bumaba sa grand staircase. Nagsimulang, magtinginan sa akin ang mga bisita sa bulwagan.

I tried to soften my face para hindi ako magmukhang mataray o suplada sa mata nila. Nginitian ko ang mga taong naabot ng aking paningin. Lahat sila, sa akin ang atensyon. The way I like it, remember my name. I am Morta.

Sa isang table kung saan abalang nakikipag-usap si Fernando ay may kutob na ako na iyon ang mga Imperial Councilors. Limang lalaki at isang babae. Lahat ay matatanda na. Sa pagkakaalam ko at sa kwento ni Susana sa akin, lahat sila. Walang abilidad. Walang mahika. Isa lamang normal na mga tao. Hindi ko sila kilala, dahil ang mga councilor na kilala ko ay katulad ko. May abilidad sa katawan o mahika.

Nang mamatay ang aking magulang, nawala na parang bula ang Imperial Councilors. Walang nakakaalam kung anong nangyari at kung nasaan sila. Before, magic is everything in Imperial Empire, livelier compare today.

Hindi inaagrabyado ang walang mahika. Mas pinagtutuunan ng pansin ang walang mahika. Mas mataas ang seguridad sa mga taong walang mahika. Iyon ay sa pamamalakas ng aking mga magulang kaya hindi ko matanggap ang katotohanang nagbago na ang lahat. Kinakawawa ang may mahika at malaya ang mga wala. Hindi ko maatim na isa akong prinsesa na wala man lang magawa sa problemang iyon.

MORTA OF IMPERIAL HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon