Kabanata 12

14K 729 155
                                    

Susana's POV

Hindi ko maiwasan na mapatingin sa aking kasama. Matangkad ito at malaki ang pangangatawan. Hindi rin maipagkakaila ang gandang lalaki nito. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala ni Morta. Pero ang tanging gumugulo lang sa aking isip ay pamilyar siya. Para bang nakita ko na siya kung saan o baka naman may kamukha lang siya. Hindi ako sigurado. Pati ang pangalan niya ay pamilyar sa akin.

Gusto kong magsalita ngunit masyadong mabigat ang kaniyang presensya. Sigurado akong hindi siya isang normal na tao. Marahil ay nagtataglay din siya ng mahika. Isang malakas na mahika.

Napakagat labi ako. Paano sila nagkakilala ni Morta? Hindi ko magawang magtiwala sa lalaking ito ng lubos kahit gaano pa sila kalapit ni Morta. Malakas akong makiramdam at nararamdaman ko na may mali.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon na sumama ako kay Damian. Siguro naman ay magiging ligtas ako kung hindi ako magsasalita ng kahit na ano.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa isang malaking bahay. Napatitig ako sa malamansyon na bahay sa aking harapan. Dito siguro marahil tumutuloy si Morta nitong mga nakaraang araw.

Nang pumasok kami ay ilang pares ng mata ang bumungad sa amin.

"Where's Morta?" Bungad kay Damian ng isang lalaking may katamtaman na kulay ng balat. Sa mukha nito ay mahahalata mo agad na puro kalokohan lamang ang laman ng utak.

"Imperial House" sagot naman ni Damian. Bumaling ito sa akin.

"Come in" walang gana nitong saad. Lumunok ako at humakbang papasok ng silid.

Kilala ko sila. Ang mga nakaupo sa sofa ay pamilyar sa akin. Anak sila ng mga dating Imperial Councilors. Nakita ko na sila noong may gathering sa Imperial House. Kasama sila ng kanilang mga magulang. Hindi sila kilala ni Morta noon dahil lagi kaming magkasama ni Morta sa maze o sa kwarto niya tuwing may gathering sa kanila.

Si Morta ang tipo ng taong walang pakilam sa kaniyang paligid kapag masaya siya. Hindi rin siya mahilig makipagkilala noon basta-basta kahit anak pa iyon ng mga Imperial Councilors. Hindi rin siya mahilig dumalo sa mga kasiyahan sa Imperial House. Mas pipiliin niya pang magpasama sa akin upang maglaro sa garden maze kaysa makisaya sa mga tao.

Nagbago lang siya noong namatay ang kaniyang mga magulang. Hindi na siya nakakatagal sa loob ng Imperial House. Lagi siyang natakas kahit pa anong pagbabanta ang ibigay sa kaniya ng Hari. Alam kong dahil hanggang ngayon, hindi niya pa rin matanggap na wala na talaga ang kaniyang magulang kaya naman nagpasya ako na huwag umuwi sa amin. Kailangan ni Morta ng kaibigan at alam kong ako lamang ang kaibigan sa buong Imperial Empire.

Umupo ako sa sofang pang-isahan lamang. Ang mga mata nila ay nakatuon sa akin. Si Jallal ay nakakunot ang noo habang nakatitig sa akin.

"Damian, you're not gonna talk about this? Who is she?" Usal ni Jallal dito. Nakita ko ang pag-irap ni Damian kay Jallal.

Ngayon mas lalo na akong naguluhan sa pagkatao ni Damian. Sino siya at bakit parang malapit siya sa anak ng dating mga Imperial Councilors? Hindi pa rin ako sigurado kung pwede ba siyang pagkatiwalaan lalo na ngayon na nanganganib ang buhay ni Morta.

"Ako nga pala si Susana. Kaibigan ako ni Morta" ako na ang nagpakilala sa aking sarili dahil mukhang walang balak umimik si Damian. Mukhang may malalim itong iniisip kanina pa.

"Bakit hindi niyo kasama si Morta?" Tanong naman sa akin ni Chewy.

"Nagpaiwan siya. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan niyo dito pero binubuwis niya ang buhay niya para lamang malaman kung sino ang tumutulong kina Helena at Fernando" may pait sa tono ng aking pagsasalita.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now