Kabanata 5

16.7K 834 127
                                    


Uhaw na uhaw na ako. Nanunuyot na ang aking labi at lalamunan dahil sa pagkauhaw. Hindi ako mamamatay sa gutom. Mamamatay ako sa dehydration.

Isang araw at kalahati na akong walang iniinom na tubig kaya naman nang magdala ng tubig ang mga tagapangala ng kabayo ay natempt akong inumin yon. Malinis naman siguro iyon ngunit hindi ko kaya.

Hindi ko matanggap na nagawa nila ito sa akin. Ano bang ikinagagalit nila. Hindi naman ako ang may kasalanan na malaman ng mga bisita ang aking tunay na pagkatao, kasalanan iyon ng kanilang malditang anak. Isa pa, hindi ba't nagawan na nila iyon ng paraan.

Hindi ko na magawang sumigaw. Nanunuyot na ang aking lalamunan. Nawawalan na ako ng pag-asa ng matanaw ko ang isang babaeng mukhang nagmamadali.

"Morta, gising!" Usal nito sakin. Pinilit kong imulat ang aking matang papikit na.

"Susana" mahinang salita nalang ang kumawala sa aking bibig. Wala na akong lakas.

"Nagdala ako ng pagkain at inumin. Ito din ang gloves mo" usal nito. Napangiti naman ako at agad na sinuot ang gloves.

Wala na akong lakas makaipag-usap kaya naman kinain ko na agad ang dalang pagkain ni Susana at mabilis kong naubos ang tubig niyang dala na nakalagay sa galon.

"Salamat, Susana" usal ko ng makabawi ng lakas.

Ngunit halos kabahan ako ng pumasok ang mga kawal sa kwadra ng kabayo. Mabilis nilang dinakip si Susana.

"Susana! Mga walanhiya bitawan niyo si Susana" sigaw ko sa kanila ngunit hindi nila ako pinakinggan. Tila wala silang narinig. Muling umusbong ang galit at ang inis ko.

Mabilis akong sumuot sa malaking siwang para sa ulo ng kabayo nang makita kong hindi nila isinara ang pinto ng kwadra. Mabilis akong nagtatakbo palabas. Nakita ko naman na patuloy nilang hinihila si Susana papasok ng Imperial House. Walang naiwan na kawal sa kwadra kaya naman mabilis akong nakapunta maze.

Maswerte nalang at wala akong nakasalubong na kahit na sino. Mabuti nalang din dahil may lakas na ako ngayon. Mabilis akong nakalayo sa Imperial House ng makalabas ako.

Isang lugar lang ang pwede kong puntahan sa mga oras na ito. Hind ko man tanda ang lugar ng kanilang bahay ay nagbabakasakali akong makita siya sa kaniyang pinagtatrabahuhan.

Hindi nga ako nabigo dahil ng makarating ako ay naabutan ko siyang nagpuputol ng puno. Wala sa sariling napangiti ako.

"Damian!" Sigaw ko at lumapit na dito.

Nang makita niya ako ay kitang kita ko ang pagdidilim ng kaniyang mukha sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Nginitian ko ito ngunit tila seryoso siya ngayong araw. Sabagay, kung iisipin. Lagi naman siyang seryoso. Hindi na iyon bago pa. Tinigil niya ang kaniyang ginagawa at hinarap ako.

"What happened?" Tanong sa akin nito gamit ang baritonong boses. Napanguso naman ako dahil parang galit siya. Hindi ko naman mawari kung bakit.

"Kinulong ako sa kwadra ng kabayo, kung hindi pa ako pinakain ni Susana ay baka hindi ko na kinaya buti nalang at nakatakas ako" usal ko dito. Lalong nagdilim ang kaniyang mukha.

"Iintayin kita, ituloy muna ang ginagawa mo" usal ko at naglakad patungo sa tumba na puno.

Kita kong napapatingin sa akin gawi si Damian kada minuto. Napatingin ako sa aking paang walang sapin. Napakadungis ko na sigurong tingnan. Mabaho na rin ako panigurado dahil sa laway ng kabayo kaya ganon nalang siguro ang tingin sa akin ni Damian. Medyo nahiya naman ako ng mapagtanto na mabaho at madungis ako.

Nagulat ako ng makita si Damian sa harapan ko. Hindi pa lumalampas ng bente minutos ang paghihintay ko ngunit mukhang siya na yung nainip para sa akin.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now