Kabanata 9

15.5K 860 233
                                    

Nasa sala kaming apat ngayon. Katabi ko si Damian sa mahabang sofa samantalang si Jallal at Damon naman ay nakaupo sa pang-isahang sofa. Abala si Tita Dana sa kusina.

Ibinalik ko ang masamang tingin kay Damon na kanina pa ako pinanlilisikan ng mata. Sigurado akong sinasakal na ako ni Damon ngayon sa kaniyang isipan dahil hindi siya pwedeng makalabas. Ha! Siya naman ang may kasalanan.

"Damon"

Sabay kaming napalingon ni Damon sa kaniyang kuya na kanina pa pala kami pinapanood. Napanguso si Damon bago bumuntong hininga.

"Bakit ako kasali? Hindi naman ako ang hinahanap ng mga nasa labas na nakaitim na cloak"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Damon. Kumunot naman ang noo ni Damian at Jallal sa sinabi ng bubwit.

"Nakita mo din sila?" Tanong ni Jallal na ngayon lang ata nagseryoso simula ng pumasok sa bahay na ito.

Hindi na rin ako magtataka kung bakit kilala niya ako. Mukhang siya yung tipo ng taong madaming nalalaman kahit hindi tungkol sa kaniya.

"Oo, andami nila. Yung iba ngang kawal wala ng nagawa dahil natatakot sila sa mga ito, yung iba naman nakikipaglaban. Buti nga hindi sa Kapital. Nakita ko lang iyon sa mga kagubatan" pagkukwento ni Damon.

"Delikado na. Hindi na rin ligtas ang mga taong may mahika" usal ni Jallal. Napairap naman ako sa ere dahil sa sinabi niya.

"Matagal ng hindi ligtas ang mga taong may mahika" usal ko habang seryosong nakatingin dito. Ngumisi naman ito na tila ba naintindihan niya ang sinabi ko.

"Oo nga pala" nakangiwing napakamot ito sa kaniyang batok habang nangingiti dahil sa kaniyang nasabi.

"Anong plano niyo?" Tanong ni Damon na para bang gustong sumali sa kung anong planong gawin ng dalawa.

"Umakyat ka muna sa taas Damon" utos ni Damian dito. Napanguso naman si Damon.

Naimagine ko tuloy na siguro noong bata si Damian ay katulad din ito ni Damon. Makulit at gala.

"Ayoko nga. Bawal na nga ako lumabas tapos bawal pa ako dito" usal ni Damon. Wala namang nagawa si Damian kundi ang pagbigyan ang kapatid.

"Wala pang plano. Sa ngayon, nangangalap pa kami ng impormasyon tungkol sa mga rebelde na may masamang hangarin" usal ni Jallal. Napatango naman ako.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Frolo. Hindi ko alam kung makakatulong iyon o hindi, wala naman masama kung sasabihin ko iyon.

"May nabanggit sa akin si Frolo tungkol sa kanilang organisasyon at ranggo. Alam niyo ba yon?" Usal ko sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan naman ang dalawa bago tumingin sa akin. Siguro alam na nila ang bagay na iyon.

"Rebel's organization ang tawag sa kinabibilangan nila. Tumataas ang ranggo nila ayon sa mga dinadala nilang taong may mahika at isinasali sa organisasyon. Whether you like it or not, kapag nalaman nilang may mahika ka. Kukuhanin ka nila at dadalhin sa kanilang kuta" usal ni Damian. Napatango naman ako.

"Kaya hindi ka din pwedeng lumabas Damon" usal ni Jallal dito. Umirap lang si Damon bago umiling.

"May iba pa bang sinabi sayo ang Frolo na iyon?" Tanong ni Jallal. Napaisip naman ako kung may iba pang sinabi si Frolo.

Huminga ako ng malalim. Si Fernando at Helena ang kanilang tinutukoy. Kailangan kong maging kalmado.

"Morta, Are you okay?"

Natauhan ako ng hawakan ni Damian ang pisnge ko at iniharap ako sa kaniya. Tumango lang ako.

"Sinabi din ni Frolo na papatayin nila si Fernando at Helena at ako ang pauupuin sa trono" pagsasabi ko sa kanila ng totoo.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now