Kabanata 24

10.9K 591 130
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nung araw na nagpadakip si Morta, hindi alam ni Damon ang gagawin. Nagpromise siya kay Morta na hindi niya sasabihin kahit kanino ang plano niya. Iyon ang ginawa niya dahil nangako siya.

Mabuti na lamang dahil naniwala agad si Susana at ang tatay niya noong nagtanong ang mga ito kung nasaan si Morta. Sinagot niya ang mga ito at sinabing nakabalik na si Morta sa Imperial House.

Kaya ngayon, mag-isang kinakabahan si Damon. Hindi siya mapakali at sobrang nag-aalala siya. Sinabi niya kay Morta na may tiwala siya dito at totoo iyon pero hindi mapigilan ng batang si Damon na hindi mag-alala.

Isa pa, mapapatay siya ng kuya niya kapag nalaman niyang may nangyaring hindi maganda kay Morta. Mayayari siya dito at baka hindi na siya makalabas ng bahay buong buhay niya.

Iniisip ni Damon na kasalanan niya ang nangyari dahil siya ang nagyaya kay Morta na sumama sa mga kaibigan nito. Kung hindi siya nagyaya ay sana hindi nila naencounter ang masasamang tao na iyon.

Kinabukasan, hindi pa rin nakakabalik si Morta. Mas lalong binalot ng takot at kaba ang batang si Damon. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya natakot.

Pabalik-balik siyang naglalakad sa loob ng kaniyang kwarto.

"Paano kung patay na si Ate Morta?"

"Anong gagawin ko?"

"Siguradong susunod ako sa bangkay ni Ate Morta dahil mapapatay ako ni Kuya!" Nag-aalalang pahayag ni Damon.

Napatalon ito sa gulat ng may kumatok.

"Damon" tawag sa kaniya ng kuya niyang si Damian.

Halos pagpawisan siya ng malamig. Maswerte siya kahapon dahil wala sa bahay ang kuya niya. Natulog ng maaga si Damian upang hindi makasalubong ang kuya niya. Ngayon wala na siyang ligtas.

"Bumaba kana at kumain" usal ng kaniyang kuya Damian.

Napahinga ng maluwag si Damon ng makaalis ang kaniyang nakakatakot na kuya. Nakakatakot ito paggalit.

Walang nagawa si Damon kundi ang bumaba. Naabutan niya sa hapag ang kaniyang ama, ina at kuya.

Wala si Susana dahil sumama ito sa kaniyang ama kagabi pabalik sa kanilang bahay.

Hindi makatingin ng deretso si Damon sa mata ng kahit na sino sa kanila. Hindi rin siya makalunok ng maayos.

"Damon, dahan-dahan lang sa pagkain" bilin sa kaniya ng kaniyang ina ng mabulunan ito.

"May problema ka ba, Damon?" Nag-aalalang usal naman ng kaniyang ama sa kaniya.

Lalong nabulunan ang batang si Damon dahil sa tanong ng kaniyang ama.

"Anong poproblemahin niyan? Wala naman yang ginagawa dito sa bahay" walang ganang usal ni Damian.

Nakahinga ng maluwag si Damon dahil sa sinabi ng kaniyang kuya. Ibig sabihin hindi ito naghihinala sa kinikilos niya.

"Ah, Damian. Nakalimutan kong banggitin kahapon na nagpunta pala dito si Morta" usal naman ng kanilang tatay.

Halos kumawala sa dibdib ni Damon ang kaniyang puso sa kaba dahil sa sinabi ng kaniyang tatay. Akala niya ay ligtas na siya. Halos manlamig at manginig ang kaniyang palad.

Patago niyang sinulyapan ang kaniyang kuya na abala pa rin sa pagkain.

"Ganon ba? Anong oras siya umalis?" Tanong ni Damian sa kanilang ama.

"Hindi rin siya nagtagal dito, pagkatapos niyang kausapin si Susana ay hinigit na siya ni Damon para gumala sa plaza" pahayag ng kaniyang ama.

Nalunok ni Damon ang pagkain niyang hindi pa nangunguya kaya naman nabulunan muli ito.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now