Kabanata 23

10.7K 630 64
                                    

I am mad. I am extremely mad.

Kinuha ko ang patalim na nakatago sa loob ng aking damit. I need to destroy it. If I am not mistaken. That thing is called "Edge of Energy". Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo kapag nasa paligid ito.

Hindi ko alam kung saan nila kinuha ang bagay na iyan pero alam kong matagal na yan pinagbawal sa Empire. Edge of Energy is dangerous for every magic-user or ability-user.

Edge of Energy was made by a crazy person. It was to help those people who don't possess magic.  It is a weapon and a tool to fight against magic-users. It means, whoever made that wanted war between nonmagic-user and magic user.

And I don't think it's Lukio. Hindi mag-aabalang gumawa si Lukio ng bagay na mapapahamak din siya. Obviously, Edge of Energy is against magic.

Tumayo ako at lumapit kung nasaan ang Edge of Energy. It's a box that has a sphere inside. Ang kulay asul na bilog sa loob nito ay ang pinagsama-samang enerhiya ng mga tao sa kulungan na ito. Hindi siguro nila alam ang bagay na ito.

After all, Edge of Energy was never known in public. May mga ilang nakakaalam pero bago pa man ito kumalat ay nasira na ito ng mga knights noon dahil sa utos ng aking ama.

Nang makalapit ako ay agad kong sinaksak ito ng punyal na hawak ko. Buti nalang at abot ko. Sinaksak ko pa ito ng paulit-ulit hanggang sa magkaroon ng crack.

"Anong ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Jev.

"I am saving your ass" usal ko dito.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa at ng mabasag ang Edge of Energy ay kusang lumabas ang enerhiya sa loob nito. Kusa iyong bumalik sa kanilang katawan.

Pinanood ko ang asul na parang usok na pumasok sa kanilang mga katawan.

"We need to get out from here" usal ko sa kanila.

"Anong nangyari? Bakit nagpunta sa amin ang bagay na iyon?" Tanong ng isa sa mga kasama ko dito.

Pinaliwanag ko sa kanila kung bakit ko iyon ginawa. Nakita ko naman na tinry na nilang gamitin ang kanilang mga mahika. Kung kanina ay hindi nila magawa. Ngayon ay nagagamit na ulit nila ang kanilang mahika.

"Sinong kayang tumagos sa pader? Meron ba?" Tanong ko sa kanila. Nagtaas naman ng kamay ang isang lalaki.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko dito.

"Rico" usal naman nito. Tumango ako.

"Rico, nakita mo diba yung sinira ko? Kailangan mo iyong sirain. Bawat kulungan ay may ganon"

Inilahad ko sa kaniya ang punyal na hawak ko.

"Naiintindihan mo ba? Itanong mo rin sa kanila kung meron pa sa kanila ang kayang tumagos sa pader para may katulong ka" usal ko pa dito.

Tumango naman si Rico at kinuha ang punyal sa aking kamay.

"Habang ginagawa mo yon, magpaplano ako kung paano tayo makakaalis" saad ko pa sa kanila.

Nang umalis si Rico ay agad kong hinarap ang iba ko pang mga kasama.

Tinulungan naman ni Jev ang mga batang may mga malalaking galos na hindi pa rin nagaling. Ibig sabihin, pwersahan talaga nilang kinukuha ang mga bata. Ang iba sa kanila ay kasing edad ko lamang.

Hindi pa man ako nagsasalita ay may nagtaas na ng kamay.

"A-ano. Kaya kong maging invisible" usal nito sa akin. Tumango naman ako.

"Anong pangalan mo?"

"Rissa" pagpapakilala nito.

"Sino sa inyo ang may abilidad na gumawa ng mga bagay?" Tanong ko sa kanila.

MORTA OF IMPERIAL HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon