Kabanata 6

15.7K 826 94
                                    

Kunot ang noo kong inilibot ang aking paningin sa aking paligid. Mabilis akong nagtago sa kumpol ng mga tao. Napakadaming Imperial Guards sa paligid. Makikilala mo sila dahil pinaghalong gitno at silver ang kanilang baluti, samantalang ang mga kawal na nagbabantay sa Kapital ay kulay black ang baluti.

Sigurado ako na ako ang hinahanap nila. Alam kong hindi iyon lingid sa kaalaman ng mga tao dahil hindi iyon ipapaalam ni Fernando. Ayaw niyang makakuha ako ng atensyon sa publiko. Ayaw niyang makilala ako ng mga tao. Kaya kada linggo, pumapayag agad sila kapag sinabi kong hindi ko gustong sumama sa kanila.

"Ano na naman kaya ang kaguluhan? Napakadaming nagkalat na Imperial Guards"

Napabaling ako sa matandang aking katabi. Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o ang sarili niya. Nakatingin siya sa mga Imperial guards sa hindi kalayuan.

"Nako, hindi ko po alam" pagsagot ko.

Napatingin sa akin ang matanda. Nanliliit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Sinusuri at kinakalkula ang bawat galaw sa mukha ko. Pilit akong napangiti.

"Ikaw siguro ang hinahanap nila" usal nito sa akin. Agad nanlaki ang mata ko at agad akong kinabahan sa takot na baka bigla siyang sumigaw at ituro ako.

"P-paano niyo po nasabi?"

Lumikot ang mata ko sa paligid dahil sa sinabi ng matanda. Napakagat ako ng aking labi bago muling bumaling sa matandang ngayon ay nakaharap na sa akin.

"Kasi nagtatago ka?" Hindi nito siguradong sagot. Napangiwi naman ako dahil sa kaniyang sinabi. Halata ba na nagtatago ako. Hindi ko alam.

"H-Hindi po. May iniintay lang po ako" pagsisinungaling ko.

Nanliit lalo ang mata ng matanda matapos ko iyong sabihin. Kaya naman napaiwas ako ng tingin. Nabaling ako sa kaniyang kasuotan. Maayos iyon at sigurado akong gawa sa mamahaling tela. Medyo kuba na siya ngunit malinis at maayos ang kaniyang kabuuan.

"Sino po ba kayo?" Kyuryusong tanong ko ng hindi ito magsalita.

"Sa muli nating pagkikita, Morta" usal ng matandang babae na ikinalaki ng aking mga mata. Kilala niya ako!

Malakas na umihip ang hangin sa aking harapan kaya napapikit ako. Pagmulat ng aking mga mata ay wala na ang matanda. Inilibot ko ang aking paningin ngunit bigo akong makita muli ang matanda.

"Ate Morta!"

Tumatakbong tawag sa akin ni Damon. Napakunot ang aking noo bago siya sinenyasang tumahimik. Hindi naman niya kailangan isigaw pa ang aking pangalan.

"Sabi ni kuya hinahanap mo daw ako. Sinabi ko kay kuya na andaming imperial guards sa paligid kaya sinabi niya hanapin kita" pagkukwento sa akin ni Damon. Napangiwi naman ako.

"Oo, nakarating na nga ako sa dulo ng Kapital ay hindi pa din kita nahahanap. Kung sino-sino na ang nakakausap ko di pa din kita nakikita" pahayag ko dito at binatukan. Napahawak naman siya sa kaniyang ulo.

"Nasa bahay lamang ako ni Kuya Jallal. Hapon na kaya pinuntahan ko si Kuya" saad nito sa akin. Napakunot naman ang noo ko.

"Sinong Jallal?" Tanong ko dito.

"Ah, kaibigan ni Kuya. Pati si Ate Chewy, Kuya Frin at Ate Mandal"

Lalong nangunot ang noo ko. Hindi ko alam na may kaibigan pala si Damian. Sa tipo niya ay parang wala siyang interes na magkaroon ng mga kaibigan.

"Matagal na ba silang magkakaibigan?"

Naglakad na kami ni Damon. Pumasok kami sa mapunong parte ng kapital upang hindi makasalubong ng Imperial guards.

MORTA OF IMPERIAL HOUSEWhere stories live. Discover now