WHY IT HAS TO HAPPEN?

6.7K 86 1
                                    

Pasensya po at hindi ako masyado nakakapag-update… nawiwili pa po ako sa pagbabasa e… dami nakapila sa aking library hehehe…

Paalala lang po, si CANDICE at ELLE po ay isang tao lang… Candice ang tawag sa kanya ng kanyang pamilya at Elle naman sina Marco kasi yun ung ginamit nya na nickname nun nag-high school siya at ng lumipat sila sa France… yun lang J

WHY IT HAS TO HAPPEN?

MUKHANG mag-aaway na naman ata sina Anita at Dante.

Basta pagdating kay Elle lagi na lang siyang kumukontra pero pagdating naman kay Allorah, kahit ata hilingin ng batang 'yon na ibenta niya ang pinakamamahal niyang lupain eh susundin niya!’ maktol ni Anita sa isipan.

Pero may natitira pa rin naman delekadesa sa katawan si Dante. Hindi tama na magtalo sila sa harap ng mga bisita.

“Let’s just say I just want to know this man more…” pagdadahilan pa ni Dante kahit hindi naman iyon ang tunay na dahilan.

Nang maalala niya ang talagang dahilan niya ay biglang naglikot ang kanyang mga mata at tila kinakabahang tumingin sa paligid.

HInahanap ng kanyang mga mata ang kambal niyang apo sa anak na si Allorah na at the same time ay alam niyang anak ni Marco. Oo. Iyon ang tunay na dahilan kaya hindi siya makakapayag na magpakasal sina Marco at Candice. Kahit pa ba sinabi noon ni Allorah na baka hindi alam ni Marco na may nangyari sa mga ito ay hindi magandang tingnan para sa kanya na ang mapapangasawa ng panganay niyang anak ang nakabuntis sa kanyang bunso.

Hindi naman kasi malalaman agad ng mga ito kung sino ang ama ng bata dahil walang nakuha ang mga ito sa ama. Pero mabuti na din na wala sa paligid ang kambal. Kalimitan kasi pag ganoong oras ay naglalaro ang dalawa kahit saang bahagi ng bahay.

Hihirit pa sana si Anita pero naawat na agad ito ni Candice at ang dalaga na ang nagsalita.

“By the way, Dad, We’re going to stay here for three days. Na-miss kitang masyado eh…” nakangiti pang sabi ni Candice.

Ramdam ni Dante na nagkulay suka ang mukha niya dahil sa sinabing iyon ng anak. Paanong hindi eh malamang na malalaman ng mga ito na nasa poder niya si Allorah na noon pa man ay matindi ang pakiusap sa kanya na huwag sabihin sa mommy nito na naroroon ito sa kanya.

“I-is that so? Well, you know that I missed you very much, too…” alanganin ang ngiti ni Dante.

Anumang oras ay maaring magkita ang mag-iina niya.

Ang alam niya ay hapon pa ang uwi ni Allorah mula sa taniman pero parang nanigas ang katawan niya ng may marinig siyang yabag ng kabayo.

Andito na si Allorah!

Ilang saglit pa ay tumigil iyon sa malapit. Pagkatapos ay nagtatatakbong pumasok ang dalawang bata papasok sa loob ng bahay. Dire-diretso ang mga ito patungo sa kusina. Ang kasunod na pumasok sa kabahayan ang nakapagpatigagal kay Candice at Anita.

“Dad—“ napatigil sa pagsasalita si Allorah ng mapagsino ang mga tao sa sala. Tila estatwa ito na napatigil sa akmang pagpasok.

“A-allorah…” mahinang sambit ni Candice.

“You brat! Nandito ka lang pala!” matigas na sabi ni Anita na siguro kung walang ibang tao ay baka kanina pa ito nakalapit at nasakapanakit sa anak.

“M-mom… Ate…” shock naming sabi ni Allorah.

Natahimik ang lahat. Lalo na ang magkapatid na Crystal at Aurelle. Alam nilang simula noon pa ay hindi kasudo ni Allorah ang ina nito smantalang malayo naman ang loob ni Allorah sa nakatatanda nitong kapatid.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now