...and here we are now

7.3K 73 2
                                    

Okay…update na..pagtyagaan nyo na to..ito lang ang nakayanan ng aking nagbabakasyong utak..at saka po pagpasensyahan na ninyo kung meron man na mga typographical error…

============================

…and here we are now

NAKAPIKIT si Allorah habang sinasamyo ang malamig na hangin na humahampas sa kanyang mukha. Niyakap niya ang kanyang sarili ng dahil ramdam niya ang lamig ng hangin pero hindi siya nag-abala na kumuha ng kahit anong maiibalabal sa kanyang katawan.

Madaling araw pa lamang pero lumabas na siya. Maya-maya ay iminulat na niya ang kanyang mga mata upang pagmasdan ang malawak na karagatan na nasa kanyang harapan. Payapa ang dagat kaya hindi siya makadama ng anumang takot sa sinasakyan nilang cruise ship na iyon.

Ilang minuto pa ang kailangan niyang intayin upang masilayan ang pagsikat ng araw na noon pa niya pinapangarap na makita.

She just can’t believe everything happened so fast. She is now Mrs. Marco Alejandro De Luces. Hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na makaurong sa kasalang iyon. They got married three days ago at ngayon nga ay sakay sila ng cruise ship na iyon.

Hindi na niya nakausap pa ng sarilinan si Marco mula ng malaman ng anak nila na ito ang tunay na ama ng mga ito. Hindi na nila napag-usapan kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kasal nila. She just go on with the flow just like what her parents wanted her to do.

Sa ngayon, isa siyang asawa na hindi niya sigurado kung asawa nga siyang matatawag. They have been together—occupying one cabin and sleeping in one bed, but she never spoke to him. Literal na hindi niya ito pinapansin. When he is about to start a conversation, umiiwas siya. Kapag nagtatanong ito, tanging tango at iling lamang ang nakukuha nitong response sa kanya.

Sa kanyang paghihintay na iyon ng pagsikat ng araw ay hindi niya napigilan ang pagbalik ng mga pangyayari sa kanyang isipan…

“Bakit nagkukulong ka ditto?” tanong sa kanya ng pumasok sa kanyang silid. Si Candice iyon na naabutan siyang nakadapa at umiiyak sa kanyang kama.

“Where are the kids?” sa halip ay tanong niya dito.

Umupo ito sa kama niya.

“Nasa labas. Bumabawi si Marco sa mga bata. We’re just thankful na natanggap agad nila ang totoo at hindi na sila nagtanong pa ng kung anu-ano. Kung nakita mo lang sana silang mag-aam kanina eh di—“

“Stop that, Ate,” pigil niya sa kung ano pa sanang sasabihin nito. Napapikit siya ng mariin.

Yes, she could also imagine what happened a while ago.

“I am still not sure kung tama nga ba ang desisyon ko na hayaan siyang pumasok sa buhay naming mag-iina. We’ve been living a happy life for almost seven years without him…” sabi niya.

“No, Allorah. You’ve made a good choice. You just don’t know how you made your kids very happy happy. Si Marco ganoon din. Ngayon ko lang siya nakita na ganoon kasaya. I know that he is going to be a good father to the kids and at the same time, a good husband to you… I know the old Marco and from what I saw a while ago, I can say that he is back to his old self.”

“P-pero hindi naman ibig sabihin nun na dapat magpakasal—“

“Hindi papayag si Marco na hindi kayo magpakasal. He don’t want his children to be raise in a broken family. He know how it feels…”

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now