the solution is...?

6.6K 77 0
                                    

aun oh kbwicit...hndi dpat tlga ito ang nklgay na a/n d2 e..ncra un una q gnwa..gnda p nmn ng mood q knina..hba nun ngwa q bglang ayaw n mag open..ayan pngit n a/n ko..npublish n sna yun ngaun..

pero i'll do my very best n ilagay q s part n ito ng story kung anuman un inilagay q sa una kong ginawa...

be a fan, comment and vote..

(pampalubag loob kay author)

============================

the solution is...?

NAKAUPO siya ngaypn sa loob ng kanyang opisina. Sa harap niya ay ang kanyang working table lung saan nakapatong ang santambak na mga paper works.

Ikaw ba naman ang magbakasyon ng isang linggo, pag hindi ka naman natambakan ng trabaho, ewan ko na lang.

Ang ilan doon ay nangangailangan ng kanyang approval, ang iba for finalizations. Mayroon ding for revisions at king minamalas naman, ang iba ay for reconstruction. As in, babaguhin lahat-lahat mula umpisa.

Pero kahit pa gaano iyon kadami, kahit isa ay wala pa siyang nasisimulan. Masyado siyang abala sa pag-iisip ng tungkol sa kanyang 'MALAKING' problema sa ngayon.

Noong nasa farm siya, sandaling nawaglit iyon sa kanyang isipan maliban na lamang nga noong mapag-usapan nila iyon ng kanyang kuya at sinabi nitong si Allorah ang alukin niya ng kasal.

Paano ba naman, puno ng katanungan ang isip niya noon kung bakit pilit na umiiwas sa kanya si Zabyne. Katanungang hindi man lang nabigyan ng malinaw na kasagutan o anumang paliwanag mula sa dalaga noong sapilitan niya itong kinausap na nauwi naman sa pagtatalo.

"Layo na ng narating ng isip mo."

Nagulat siya ng biglang may nagsalita. Ang nakangiting si Anton ang nakita niya. Diretso itong nagtungo sa couch na naroon at saka umupo.

"Don't you know how to knock, bro?" tanong niya dito at ibinaba niya ang kanyang mga paa na magkaekis pang nakapatong sa kanyang working table.

"FYI, bro. I've knocked on your door for several times but it seems that you are very busy thinking so deep about something that's why you didn't notice it," sabi nito. "You can ask Beth to confirm it," hamon pa nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang kanyang sekretarya na nasa labas lamang ng kanyang opisina.

"Nah, thanks. Hindi na ako magpapakapagod pa dahil siguradong kakampihan ka nun. Takot na lang nun masesante when you became the president," biro niya.

Humalakhak naman ito.

"Yeah right. She should know who is her boss. Talagang alam mo na ang maaaring mangyari sa future ah."

Hindi na siya sumagot. Baka magpayabangan lang lalo silang magkapatid.

"What's the problem, bro?" tanong nito sa kanya.

Nagkibit-balikat siya.

"You already knew it. Isa lang naman ang pinoproblema ko ngayon."

"Why not go on with my suggestion? Allorah is not a bad catch anyway. When she was on her vacation few years ago, I can't see anything bad about her. She's a nice person. Sabi ng ate mo, yun mga issue nya noon sa France was just due to some family problems nila na hindi ko na inalam kung ano pa iiyo. Hindi naman ako ganoon katsismoso."

"Though I, myself, didn't agree to your opinion, I think she won't as well."

Sa nakita niyang paraan ng naging pag-iwas ng dalaga sa kanya noong manatili sila sa farm, sigurado siyang hindi ito papayag na madawit sa "ISSUE" niya.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now