what the-?!

7.7K 77 0
                                    

hay naku…un pala nagawa ko na story dun sa last chapter ay hindi match dun sa ginawa kong plot...mdami pa dapat kaartehan dun si Allorah e, pero ok lang..tapos na eh, ayaw ko ng mag-isip pa..i-adjust ko na lang hahaha, ang bagal ko na nga gumawa e babaguhin ko pa…ang mahalaga ay yun nay un!!! Hahaha basta keep on reading

PS: hindi ko ginagawa ito ng isang upuan lang…inaabot ng halos 1 wk isang part hahaha…pag tinatamad ako minsan kalahati lang nagagawa ko tas un another half e after I-am-not-sure kung after ilang WEEKS bago ko gawin hehehe…

Cnxa naman..d naman ako fulltime story-writer..may work din naman ako hahaha..kahiya naman kung ito lang idadayo ko sa office..toink!!

========================

what the—?!

“MOMMY look oh! Wala na yung sugat ko sa ulo. Ibig sabihin, I can stop taking medicines,” excited na salubong ni Joaqui sa kanya.

Galing siya sa may taniman. Kinausap niya ang ilan sa mga pinagkakatiwalaan nilang tao doon. Tumulong din siya saglit sa ilang trabaho kaya medyo natagalan siya bago umuwi. Bilin pa naman ng daddy iya ay umuwi din siya agad at sabay-sabay silang mag-agahan. Madilim pa kasi kanina ng lumabas siya

“Mommy, what took you so long? We’ve been waiting for you pero we’re so gutom na. Sabi ni Lola, dapat daw sabay-sabay tayo everytime we  eat our meal but your so late!” sumbat naman sa kanya ni Alexea.

“Sorry, mga baby ko. May ginawa lang importante si mommy eh. But promise mamaya ipagluluto ko kayo ng favorites nyo, okay?” malambing naman niyang sabi sa mga anak at sabay na niyakap ang dalawa at magkasunod na hinalikan sa pingi ang mga ito. “And Joaqui, you still have to take your medicines until the doctor says. May check-up ka pa bukas.”

“Yuck Mommy! You’re amoy pawis!” You need to ligo muna. I am mabango na eh!” maarteng sabi ni Alexea pero seryoso ang mukha. Kung hindi lang niya kilala ang ugali ng bata ay maiinis siya sa asal nito.

“Kahit kalian talaga, manang-mana ka sa kaartehan at kasungitan ng ama mo!” mahinang bulong niya pero di niya alam na narinig pala ito ng kambal.

“Mom, diba yung daddy daw naming yung ano—“

“Mommy, sabi ni Lolo ipapakilala mo na daw—“

Sabay pa nagsalita ang mga ito at hindi tuloy niya maintindihan kung sino ang sasagutin.

“Hep! Diba sabi ko, huwag kayo sabay magsasalita?” sabi niya na nakataas pa ang kanyang dalawang kamay sa pag-awat niya sa pagsasalita ng kambal.

“Okay, gentleman naman ako. Ladies first…” ingos ni Joaqui

Oh my! Bakit parang nagkahangin na ata ang ulo ng anak kong ito? Akala ko ba mabait ito pero nabagok lang ang ulo, natuto na ata magbuhat ng sariling bangko?’ anang isip niya.

“Sabi ni Lolo, may ipapakilala ka daw samin…” sabi ni Alexea.

Nangunot naman ang noo niya at the same time nagsalubong din ang kanyang mga kilay.

“Sino daw?” nagtataka niyang tanong.

“Si daddy?” tila nag-aalangan pang sagot ni Alexea

“WHAT?!”

“Diba Mom, sabi ni Lolo Yung nasa hospital na guy daw yung daddy naming? Di ko lang maremember yung face nya eh…” sabi naman ni Joaqui.

“T-teka… A-ano…”

“Andiyan ka na pala, Allorah. Hinihintay ka namin kanina. Sabay-sabay sana tayong magbi-breakfast eh gutom na ang mga bata pati ang daddy mo kaya hindi ka na namin nahintay e…” biglang may nagsalita sa may likod nila, ang mommy pala niya.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now