it hurts, you know?

7.1K 66 2
                                    

This is going to be the last chapter before the (it might be two or three-part) epilogue..thanks for the support and patience in waiting for my updates...

eto na po yung side ni Marco...bibigyan ko naman ng katarungan ang mga inaasal nya (hahaha)..sa mga nalito nga po pala sa last chapter, pasensya nya, magulo utak ko nun, yun ang hirap sa gawang dali-dali hehehe...pero di ko na yun ieedit.. :)

pakibasa po ng aking Author's Note sa ibaba pagkatapos ninyong basahin ang part na ito..

===========================

it hurts, you know?

ILANG araw ng hindi na naman niya iniimikan ang asawa. Ganoon siya, kapag masama ang loob niya, hindi na lang siya umiimik. Ayaw niyang makipagtalo pa. Sayang lang ang laway at energy. Mabuti na din lang at ginagawa pa din naman ni Zabyne ang duty nito bilang asawa niya—ang magluto ng pagkain nila, ihanda ang mga gamit nila, maglinis sa bahay, maglaba, at kung anu-ano pang dati na rin naman nitong ginagawa.

Hindi lang naman talaga niya maiwasang sumama ang kanyang loob dahil sa sinabi ng daddy nito. Para siyang tanga na nananaghili pa noon sa kapatid niya. Naisip niyang maswerte si Kuya Anton dahil ito, nasubaybayan ang lahat ng mga nangyari—ang pagbubuntis ni Ate Au kay Baby Toni hanggang sa ng maipanganak ito. That time sa ospital, habang wala pa si Zabyne ay napagtulungan siyang kantyawan. Wala pa noon ang mga biyenan niya...

May isang tao na nahihili sa tabi-tabi...” pagpaparinig ni Anton.

Siguro ay ang hipag nitol si Crystal ang pinaparinggan nito dahil noon ay ito ang may hawak kay baby Toni. Si Ate Au naman ay nakasandal sa headboard ng hospital bed nito. Kagigising lang nito. Nakatulog marahil ito kanina dahil sa pagod sa panganganak. Normal lang naman daw yun ayun sa doktor.

Pangiti-ngiti nga lang siya. Natutuwa siya kanina ng unang beses na mahawakan ni Kuya Anton ang anak nito. Maluha-luha pa nga ito eh.

Oy Marco, hili ka noh? Gumawa na kasi kayo ni allorah para may baby na kayo. Maranasan mo man lang mag-alaga ng baby habang may makukulit na bata sa bahay ninyo...” sabi pa ni Anton sa kanya habang may pilyong ngiti sa labi.

H-ha?” gulat na reaksyon niya. Siya pala ang pinariringgan nito kanina.

Tama ang kuya mo, anak. Kelan nyo susundan ang kambal?” segunda naman ni Mommy Marcia.

Mom!” nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

Maya-maya ay pati ang magkapatid na Aurelle at Crystal ay nakikisali na rin sa pangangantyaw sa kanya.

Ayaw mo bang maranasan kung paano mag-alaga ng asawang naglilihi?” usisa ni Anton.

Saka para hindi lang si Kuya Anton ang nag-iisang epic nag hitsura. Grabe, pag naaalala ko kanina yung hitsura ni Kuya noong nagle-labor si Ate Au, gusto kong maglupasay sa sahig sa katatawa. Biruin mo, parang mahihimatay na ewan!” nagtatawang sabi naman ni Crystal.

Ah ewan! Tigilan nyo ako, kita na nga ninyong ngayon pa lang ako bumabawi sa mg anak namin...”

Pero deep inside, parang na-excite naman siya sa sinabi ng mga ito. Parang gusto din niyang magka-baby na uli sila ni Zabyne pero alam niyang mahirap magkatotoo ito dahil sa sitwasyon nila. Kahit ba nakikipagkulitan na din ito sa kanya kapag nakikisali ito sa quality time nilang mag-aama ay ramdam niya ang reservations at pagiging distant pa din nito...

Kaya naman ngayo, ayon siya sa opisina at nakatulala lang. Simula ng hindi niya ito imikan ay hindi na din siya makapag-trabaho ng maayos sa opisina kaya naman ang ginagawa niya, iniuuwi na laang niya ang kanyang trabaho upang sa bahay niya iyon gawin.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now