what happened before?

6.8K 67 1
                                    

Bago ang lahat, eto ang pambawi ko para sa matagal kong hindi pag-aaupdate...pasensya na at walang internet dito sa bahay...tinatamad ako magdala ng laptop sa office, ambigat kaya!!! hahahaha

=================================

what happened before?

IDINAAN muna ni Allorah ang dalawang bata sa bahay ng kanyang biyenan bago dumiretso sa ospital. Kanina bago magtanghali ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Kuya Anton at sinabi nitong dadalhin na daw sa ospital si Ate Au. Kabuwanan na ng kanyang pinsan at noong isang linggo ay dumating ang kanyang mga biyenan para naroon ang mga it sa panganganak ni Ate Au.

Tumawag din si Marco sa kanya at sabi nito ay pupunta na din ito sa ospital. Hindi naman siya agad nakasunod dooon dahil walang susundo sa dalawang bata sa school kaya hinintay na muna niya ang oras ng labasan ng mga ito sa school. Inihabilin niya ang dalawa kay Nanay Caring. Wala na din doon ang kanyang mga biyenan na napag-alaman niyang ang mga ito ang nagdala sa manugang sa ospital.

Nasa kalagitnaan daw ng meeting si Kuya Anton ng tawagan ito ng ina na dadalhin na sa ospital si Ate Au. Mabuti na lang at marunong umunawa ang ka-meeting nito at pumayag na i-reschedule na lamang iyon sa ibang araw. Kasabay pala nito si Marco pagpunta doon dahil hindi na daw makakapagmaneho si Kuya Anton na marahil ay kinakabahan sa kalagayan ng asawa nito.

Noong pupunta na siya kanina sa school ay nakatanggap siya ng text message mula kay Crystal.

'Welcome to the outside world, Baby Toni.'

Iyon ang nilalaman ng mensahe. Nakapanganak na si Ate Au ng isang malusog na batang babae. Normal delivery daw ito at wala namang ibang naging komplikasyon.

Hindi naman niya nagawa na magreply sa mga text na na-receive niya dahil dali-dali na nga siya. Siguradong kanina pa siya hinihintay sa ospital. Hindi tuloy niya natanong kung saang room naroroon si Ate Au kaya nagtanong na lang siya sa may information.

“Miss, excuse lang. I would like to know the room of Mrs. Aurelle De Luces,” sabi niya sa nurse na naroon.

“Just a sec, Ma'am,” sagot naman nito at nagpipindot sa computer na kaharap nito.

Ilang saglit lang ay nakangiting tumunghay muli ito sa kanya.

“Sa second floor po, Ma'am. Room 211 po.”

“Okay. Thank you,” aniya at tumalikod na dito.

Lumapit siya sa elevator pero nakita niyang paakyat pa lamang ito. Ang isang elevator naman ay nasa kataasan pang floor. Ang isang pababa na ay nasa third floor at merong isang elevator pa na paakyat nga pero nasa second basement pa.

Nagpasya siyang gumamit na lamang ng hagdan tutal naman ay isang floor lang naman ang aakyatin niya. Nang marating niya ang second floor ay nagpalinga-linga pa siya sa mga nadadaanang pinto. Una niyang nadaanan anng nurse station para sa floor na iyon. Nakita niyang may mga ginagawa ang apat na nurse na naroroon kaya naman hindi na siya nagtanong kung sa east wing ba o sa west wing ang room 211 na hinahanap niya.

Naglakad muna siya patungo sa may west wing at swerte naman na tama ang direksyon na pinuntahan niya.

Kumatok muna siya sa pinto bago binuksan ang pinto. Naabutan niyang nagkukwentuhan ang mga tao roon. Nakaupo sa patient's bed si Ate Au habang katabi naman nito si Kuya Anton. Naroroon si Crystal pati na rin ang kanyang mga biyenan at syempre ang asawa niya.

Pero ang nakakagulat ay nauna pang makarating doon ang mga magulang niya. Siguro ay tinawagan kaagad ni Crystal ang mommy niya ng malaman nito na dadalhin sa ospital si Ate Au kanina.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now