the bestfriend is back

6.8K 64 0
                                    

at narito na po ang pagbabalik ng BFF ni Allorah Zabyne Idelara-De Luces, si Sandy!!!(hahaha, trip ko lang banggitin ang full name ni Zabyne eh, bakit ba?)

==============================

the bestfriend is back

HE BECAME formal again. Parang may makapal na namang pader na nakapagitan sa kanilang dalawa. Mabuti na lamang at hindi na iyon pinupuna pa ng mga bata. Nasanay na yata ang mga ito na ganoon ang pakikitungo nilang mag-asawa sa isa't-isa.

Ganoon pa din ang takbo ng buhay nila. Gigising siya ng maaga upang ihanda ang almusal ng kanyang mag-aama pati na rin ang mga damit na isusuot ng mga ito pagpasok sa school at opisina. Pagkaalis ng mga ito, sa bahay lang siya. Minsan naman kapag naiinip siya ay pumupunta siya sa bahay ng kanyang biyenan. Nakikigulo siya sa mga ito sa pag-aalaga kay Baby Toni.

Kapag weekend ay doon din silang mag-anak nag-i-stay. Gusto din kasi ng kambal na laruin ang pinsan ng mga ito. Giliw na giliw ang mga io sa baby. Minsan nga ay nagulat na lang siya sa biglang sinabi ni Joaqui habang nanananghalian sila kasalo pa man din ang mga biyenan niya...

Mommy, when are we going to have a baby like Toni? I want us to have a cute baby like her. Is it possible, Mommy?”

Halos mabulunan siya noon dahil sa sinabing iyon ng anak. Napatikhim din naman si Marco ng marinig ang sinabi ng anak. Natatawa naman ang mag-asawang matanda.

Hindi nila malaman kung paano sasagutin ang anak. Kahit kailan, simula noong nagalit si Marco sa ospital ay hindi na siya tinukso ng mga ito ng kahit anong tungkol sa muling pagbubuntis.

Sa halip na alalahanin iyon ay naisip niyang mag-general cleaning na lamang sa kanilang bahay. Ilang buwan na rin silang naninirahan sa bagong town house na iyon na ipinagawa ni Marco para doon silan tumirang mag-anak.

Noong una ay gusto pa nga ni Marco na kumuha sila ng kahit isang makakasama niya sa bahay para may makatulong man lang naman daw siya sa mga gawain doon pero tumanggi siya. Tutal naman aya wala siyang ibang mapagkakaabalahan ay hinsi na niya kakailanganin pa ang makakatulong doon dahil wala naman siyang ibang aasikasuhin kundi ang mga ito na din lamang.

Bungalow type lang ang town house na iyon pero medyo elevated ang parte kung saan matatagpuan ang limang silid—ang master bedroom nilang mag-asawa, tig-isang silid ng kambal, at dalawang guestroom, kaya naman mayroong apat na baitang upang akyatin ang elevated na parteng iyon. May roon din isang silid doon kung saan ginawang library cum office ni Marco na pwede nitong pagtrabahuhan kapag nag-uuwi ito ng ilang papeles sa bahay.

Malawak ang kusina niyon na divider lang ang pagitan sa kanilang dining area. Ayon kay Marco, pinagawa nitong malawak ang kusina upang makagalaw siya doon ng maayos kapag magluluto siya. Sa labas ay mayroon ding dirty kitchen para daw kung maisipan man nilang mag-ihaw ng kung ano man ay may lugar silang paggagawaan niyon. Halos katabi ng dirty kitchen ang laundry area na halos araw-araw ay ginagamit niya para hindi naman siya matambakan ng mga labahin nila.

May comfort room sa may kitchen nila para kung may gagamit niyon kapag may bisita sila o kaya naman ay para hindi na sila pumunta sa kanilang silid. Lahat ng mga bedrooms nila ay may kanya kanya ding CR.

Ang kanilaang malawak na sala ang pinaka-receiving area nila at entertainment area na din. Noon, kapag weekend ay doon sila sama-samang nagmo-movie marathon na mag-anak.

May maliit na garden sa may harapan ng bahay pero hindi pa iyon naiipaayos ni Marco. Mahilig man siyang magtanim pero hindi siya marunong sa pagla-landscaping at pag-aayos ng rock garden na gusto sana niyang mangyari.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now