it's her!

7.7K 99 0
                                    

It's Her!!

MABUTI na lamang at hindi sila inabot ng ulan sa byahe kanina. Mahihirapan kasi siyang magdrive lalo na at hindi pamilyar sa kanya ang daan. Siya kasi ang nagmaneho kanina. Biniro pa nga siya kanina ni Ate Au na kaya lang daw siya inayang sumama ni Anton ay para makalibre ito sa pagmamaneho.

Malayo sa highway ang farm at ang daang tinahak nila kanina ay pasadya para pumunta lamang sa farm na iyon na pag-aari ng tiyuhin ng kanyang hipag.

Sumilip siya sa bintana ng guest room na tutuluyan niya habang naroon sila. Nakaidlip na siya at kagigising lamang niya. Nakaramdam kasi siya ng antok kanina matapos niyang mag-unpack ng mga dala niyang damit. Lumakas na uli ang ulan. Kanina ay tumila na iyon. Hindi naman nila akalain na uulan sa araw na iyon dahil napakainit kanina sa Maynila ng umalis sila. Kung ganoon din kalakas ang ulan doon malamang na sa ngayon at baha na naman sa naturang siyudad.

Maigi pa siguro na bumaba na muna siya. Nakakahiya din naman na nagkukulong pa soya sa silid na iyon. Sapat na ang pagkakaidlip niya kanina para makapahinga siya.

Mukhang mag-eenjoy siya sa farm na iyon. Ngayon pa lang ay tila magaan na ang kanyang pakiramdam. Base sa mga natanaw niyang puno kanina ay parang napakaraming prutas doon. Fresh na fresh pa mula sa puno. Sabi ni Tito Dante, ang may ari ng farm na gustong tito na din ang itawag niya dito, ay madami itong tanim na mga prutas doon at ngayon nga ay naghaharvest ng mga mangga na export quality. Kung hindi nga lang umulan ay pwede daw sila nitong ipasyal sa manggahan pero sa lawak ng lupaing pag-aari nito ay duda siya kung malilibot nila iyon sa loob lamang ng kaunting oras.

Pagbukas niya ng pinto ay nandoon ang kuya niya.

"Kakatukin na talaga sana kita. Naunahan mo lang ako ng pagbubukas mo ng pinto. Tara sa ibaba. Nagpaluto daw ng sopas si Tito Dante. Mas masarap kainin yon habang mainit pa lalo na kapag ganitong umuulan. Masarap pa mandin daw magluto ang kusinera nila..." sabi ni Anton at magkaagapay silang naglakad.

Nang dumating sila sa kusina ay nandoon na si Tito Dante, Ate Au, at ang kapatid nito na si Crystal. Mayroon ding isang may edad na babae doon na sa palagay niya ay ito ang tinutukoy ng kapatid na kusinera ni Tito Dante.

"Hala maupo na kayo at ng makakain na din kayo," sabi ng matanda. "Ikukuha ko lang kayo sandali ng sopas."

Dumulog na din sila sa mesa. Wala siyang balak tumanggi sa pagkain na iniaalok sa kanya. Maya-maya pa ay bumalik na uli ang matanda na may dalang tray kung saan nakalagay ang dalawang mangkok ng sopas na para sa kanilang magkapatid.

"Diyos na mahabagin!" nabibiglang bulalas ng matanda kaya napatingin silang lahat dito. "Ala ay ano ga ang naisipan mong bata ka at ikaw e basang basa ang damit. Alam mo naman na mabilis kang lagnatin kapag nauulanan ka!" sermon nito habang nakatingin sa bungad ng komedor.

Napatingin silang lahat sa parteng iyon para lang mapatanga siya. Kilala niya ang sinisermunan ng matanda!

"Zabyne!" palirit ni Crystal sa pinsan at nagmamadaling lumapit ito dito. "Saan ka galing at bakit basang basa ka? Anong pakiramdam ng maligo sa ulan?" pilya pa nitong tanong.

Anong ginagawa ng babaeng ito dito sa farm ni Tito Dante?

Inabutan ito ng matanda ng tuwalya para ibalabal nito sa sarili. Halatang nilalamig na ito base sa pagkakayakap nito sa sarili habang medyo maputla na ang nanginginig nitong mga labi.

"Allorah, ano't basang basa ka ng ulan?" tanong ni Tito Dante dito. Tila ba nalimutan nilang lahat ang mainit na sopas.

"Zabyne, what are you doing here? We thought you were in France? Kelan ka pa dumating?" tanong naman ni Au.

Nakatanga lang ito sa kanila. Particularly, sa kanya ito nakatingin. Tila gulat na gulat din ito na magkikita sila doon.

"Allorah!" tawag dito ni Dante. Napakurap tuloy ito.

"E-eh sino ba kasi ang una kong sasagutin sa inyo? Ang dami ninyong tanong!" katwiran nito.

Nakamata lang sila dito. "Okay! To answer Crystal's question, hindi ako naligo sa ulan. Nabasa lang ako. Yun naman kay Ate Aurelle, hindi na ako bumalik sa France simula ng magbakasyon ko at dito na ako nakatira. Lastly, galing ako sa manggahan, Dad. Tumulong na ako sa paghaharvest ng mga mangga para mapabilis. Lumakas kasi ang ulan at medyo humahangin pa e baka manlaglag iyong ibang bunga sayang naman. So, 'yon! Natapos naman. Ready for delivery na bukas ng madaling araw. Na-check ko na. Puro matataas ang quality. Mas magaganda ang harvest natin ngayon kumpara noong nakaraan."

Wari ay may sasabihin pa ito ngunit hindi na natuloy dahil napabahing na ito.

"Magpalit ka na muna ng damit mo pagkatapos ay bumaba ka dito. Nagluto si Manang Saling ng sopas at para makainom ka rin ng gamot. Magkakasakit ka niyang ginagawa mo. Ang sabi ko sa iyo ikaw ang mamahala dito habang wala ako, hindi ko sinabing patayin mo ang sarili mo. Pwede mo namang hintayin na tumila ang ulan ano at sumugod sugod ka." sermon ni Dante dito.

Sa dinami dami ba naman ng tao sa mundo, ang dalaga pa ang naging anak ni Dante. Ayaw man niyang maniwala ay wala siyang magagawa.

"Eh Daddy, ambon na lang kanina nung umalis ako sa kamalig. Nakatulo na nga ag damit ko. E inabot lang uli aki ng paglakas ng ulan sa gitna. Basa na din naman ako e di pinatakbo ko na lang yung kabayo ko. Wala din naman akong masisilungan dun," pangangatwiran nito bago sila nito iwan.

============================

ayan nagkita na sila!!!

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now