from france with love

7.8K 86 0
                                    

From France With Love

HINDI malaman ni Allorah kung ano ang mararamdaman niya ng sandaling iyon. Para siyang naiihi na hindi naman. Malapit ng mag-land ang eroplano sa NAIA.

It's been almost eight years mula ng umalis siya sa Pilipinas. Ay mali, mula pala nung kaladkarin siya ng Mommy niyang si Anita palabas ng bansa. Ayaw naman talaga niyang sumama dito noon. Pero wala siyang nagawa palibhasa ay sampung taon lamang siya ng mangyari iyon, noong maghiwalay ito at ang daddy niyang si Dante Idelara.

Sapilitan siya nitong isinama sa France kasama ang paborito nitong anak, ang nag-iisa niyang ate na si Candice at ngayon nga ay sinapian ata ng mabuting espirito ang mommy niya at napapayaag niya itong magbakasyon siya sa Pilipinas.

Isang buwan siyang mananatili sa bansa at ibinilin siya ni Anita sa kanyang pinsan na si Aurelle o Ate Au kung kanyang tawagin. May isa itong kapatid na halos kaedad din niya. Si Crystal. Close silang dalawa.

Maya-maya pa ay tuluyan ng lumapag ang eroplano. Dali-dali niyang kinuha ang mga hand-carry niyang gamit saka bumaba sa eroplano. Kukuhain pa niya ang kanyang maleta. Bale dalawang maleta ang dala niya kaya excess baggage siya.

Nang masiguro niyang nakuha na niya ang lahat ng kanyang mga dala ay lumabas na siya. Siguradong naghihintay n ang sundo niya. Ang sabi sa kanya ng mommy niya ay baka si Crystal daw ang susundo sa kanya kaya ito ang agad niyang hinanap.

Binigyan siya ng ina ng latest picture ng pinsan. Palibhasa huli silang nagkita ay noon pang bago sila pumunta sa France.

May nakita siyang babaeng kikay na may hawak na banner na may nakasulat na pangalan niya. Ng lapitan niya ito ay nakilala niya itong si Crystal.

"Crystala!!!" palirit niya at niyakap ng pinsan. "Oh my! Look at you! You've already grown up!"

"Zabyne girl! Wow! You're really beautiful 'couz."

"Of course! We have the same genes hahaha!" maarteng sabi niya. "By the way, where are we going to ride?"

"Ah the car is over there. By the way, This is Marco..." pakilala nito sa lalaking katabi na hindi naman niya napansin agad.

He is wearing a three-piece suit. Naka-shades din ito at seryoso ang mukha.

"Wow Crystala, lumi-level up ka na. May bodyguard ka na ngayon and take note, super yummylicious pa!" bulong niya sa pinsan. "Pwede ko ba siyang mahiram mga minsan pag kelangan ko ang serbisyo nya?"

"You're bad, Zabyne girl. He's not my bodyguard. Kapatid siya ng boyfriend ni Madam Auring," bulong din nito. Ang tinutukoy nitong Madam Auring ay si Ate Au. Iyon ang bansag nila dito kapag iniinis nila ito noon.

"Really? Is he still available? I like him, you know..."

"Magbubulungan na lang ba kayo diyan or what?!" Masungit na tanong ni Marco.

"Aww! You're so hot-temperred, handsome." she said with a flirt smile on her lips. "I'm Zabyne by the way. Allorah Zabyne Idelara. Thay call me Allorah. Si Crystal lang naman ang makulit na tumatawag sakin ng Zabyne that's why I am calling her Crystala."

Inilahad pa niya ang kanyang kanang kamay para makipagkamay dito pero hindi siya nito pinansin. Sa halip ay tinalikuran sila nito at tinungo aang isang itim na BMW. Sinundan lang nila ito ng tingin. Nang mainip na siguro ito dahil hindi sila sumunod ay binuksan nito ang bintana.

"Are you coming or what?!" inis na tanong nito. "I still have many things to do so I don't have much time to wait when will the two of you are planning to ride in my car!"

'Whoah! Highblood lang. Itong ganda kong ito, umiinit ulo mo?' kausap niya sa sarili niya.

Totoo naman kasi ang sinabi niya. Walang hindi mapapalingon sa kanya. She's wearing black mini skirt na tinernuhan niya ng pulang tube at itim na bolero tapos itim na boots n hanggang kalahati ng kanyang binti. She applied light make up but she's wearing a red lipstick. In short, she's very beautiful just like what her cousin told her a while ago.

Destined To Be WithDove le storie prendono vita. Scoprilo ora